DINALA kami ng mga paa namin sa isang palengke. Mabuti na lang at malapit lang ang lugar na 'to mula sa bahay. Bumungad agad sa amin ni Juliana ang ilang kakanin na masarap para pang-almusalan--- may puto, kutsinta, ube halaya at pandesal na mainit-init pa. Alam kong masarap ito at magugustuhan ng dalawa pantawid lang ngayong umaga namin. Nagkatinginan kami ni Juliana nang tumapat kami mismo kay manang na tindera nito. "Gusto mo ba?" tanong ko kay Juliana. "Ikaw. Sigi ayos lang. Mukha naman masarap at magugustuhan natin," mabilis naman nitong sagot sa akin. Ngiti ang siyang naging tugon ko sa kaniya. Oo nga naman. Naalala ko na wala pa lang inaayawan si Juliana ganoon din si Gabay. "Isang ube halaya, puto at kutsenta po manang tig-isang balot--- bigyan mo na rin po ako ng pandesal

