RANDAL DE JESUS NATAPOS na kaming kumain. Naghanda na rin si Juliana magbihis para sa lakad namin. Nagpasya din akong magbihis na para habang maaga pa mas marami kaming mapuntahang tatlo. "Wala ka bang nararamdaman ngayon, Randal?" Napalingon ako kay Gabay nang bigla na lamang ito pumasok sa silid ko. Sinuot ko muna ang jacket ko bago ko liningon ito muli. "Wala naman. Hindi ko alam pero sadyang wala din akong nararamdaman ngayon. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?" tanong ko sa kaniya. Kahit ako mismo nagtataka kung bakit ganoon. Wala man lang ako nakita sa aking gunita o baka mayroon pero hindi ko lang din matandaan tulad noon na basta na lamang nangyayari sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Posible ngang mayroon o baka posible ding wala. "Baka tulad lang ng dati na hindi

