"S-SINO 'yan?" Hindi halos magawang ihakbang ni Eli ang mga paa patungo sa pinto. Daig din ng mga kabayong nagkakarerahan ang t***k ng puso niyang kinakabahan. Walang sumasagot sa tanong niya kung sino ang kumakatok at mas lalo pa siyang kinabahan dahil lalong lumalakas ang naririnig niyang paghampas ng pinto sa kung sino man ang nasa labas.
Wala siyang magagawa kundi ang pagbuksan ang kung sino man ang taong iyon kaya kahit halos malaglag ang puso sa kaba ay lakas-loob pa rin siyang lumapit doon.
Pagpinid pa lamang ng door knob ay halos tumagaktak na ang pawis niya. Bagong ligo siya pero tila yata humalo ang malamig na pawis sa basa niyang katawan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto hanggang sa...
"Paps! Bakit mo naman kami iniwan?" Nakahinga siya nang maluwag nang bumugad si Ariston kasama si Beau na nasa likod nito.
"Nagulat naman ako sa inyo! Ano bang ginagawa n'yo rito?!" angil ni Eli sa dalawa na walang pakundangang pumasok sa kanyang condo unit at naghanap ng kanya-kanyang puwesto.
Si Beau ay naghanap ng makakain sa kanyang pantry at si Ariston naman ay humiga sa couch na nakataas pa ang paa sa center table habang tinitipa ang phone.
"Bakit ka kasi biglang umalis? Akala ko ba, lilibutin pa natin ang MU?" tanong ni Beau habang binubuksan isa-isa ang mga cabinet sa mini-kitchen ni Eli. "Wala ka bang pagkain dito?" Una pa talaga nitong inalala ang pagkain pagkarating sa condo niya.
"Beau, ikaw ga'y pasal? Kita mong kabibili pa la'ang nareng condo, pagkain agad ang hanap mo! Pumarine ka nga muna!" saway naman ni Ariston nang mapansin si Beau. Lumalabas talaga ang pagiging Batangueño nila kapag silang tatlo lamang ang magkakasama. Pero siyempre, kailangan nilang mag-adjust kapag nakakasalamuha na nila ang mga tao sa Maynila.
"Um-order na la'ang kaya tayo? Gutom na ako, eh," ani Beau.
"Ha? Kakakain la'ang natin kanina, eh. Gutom ka na naman? Kainaman ka na!"
"O-order na lang ako. Huwag na lang kayong magulo," sambit ni Eli na tila ba naging seryoso.
"Yown!" Napapalakpak naman sa tuwa si Beau sa narinig.
"Mabuti pa nga, paps. Naubos ang budget ko kay Beau pan-taxi namin, papunta rito," reklamo naman ni Ariston.
"Magpabili ka na kasi sa tatay mo ng kotse," suhestiyon naman ni Beau.
"Sira ka ba? Eh, 'di lalong naghurumentado 'yon!" wika naman ni Ariston. May sasakyan naman ang pamilya ni Ariston pero bihirang ipa-drive dito ng ama nitong si Jude.
"Tumigil na nga kayo! Ano bang gusto n'yong kainin?" tanong ni Eli habang umo-order online ng kanilang kakainin.
"Pizza na lang sa akin," Ariston requested.
"Akin naman, burger, fries, at spaghetti," wika ni Beau habang binibilang sa daliri ang gustong ipa-order sa kanya. "Samahan mo na rin ng milk tea," dagdag pa nito.
"Napakatakaw mo talaga!" Natatawang binato ni Ariston ng unan ang kaibigan.
"Eh, sa gutom ako eh!" Napatawa na lang din si Beau. Bumaling naman ang atensyon ng dalawa kay Eli habang seryoso siya sa ginagawa. "Maiba tayo, paps. Bakit ka nga pala biglang umalis?"
Natigilan si Eli sa pag-scroll sa phone niya. "Nag-away kasi kami ni Dade," sagot niya. Hindi lang din 'yon ang dahilan kung bakit siya biglang nawala. May malalim pang dahilan pero hindi siya handang sabihin ito sa mga kaibigan.
*****
KASALUKUYANG kausap ni Cassy ang doktor na gumagamot ngayon sa kakambal niya. Sabi pa nito ay masyadong malakas ang pagkakahampas ng ulo ni Cole sa semento kaya may namuong dugo sa utak at kinakailangang matanggal iyon sa lalong madaling panahon. She was worried about her twin brother because of his serious condition. Sino ba namang hindi mag-aalala sa kalagayan nito? Halos buong araw na itong walang malay at kung ano-anong mga instrumento ang nakakabit sa katawan nito.
Pero maliban doon, higit din niyang inaalala ang gastos aa ospital. Hindi niya pa rin nasasabi sa mga magulang ang nangyari. Paano na lang ang mga ito kapag nalaman ang kondisyon ni Cole? Baka biglang mapauwi ang mga ito at hindi na magawa pang makapagtrabaho.
"Doc, magkano po kaya ang magagastos sa operasyon?" Iyon kaagad ang naging tanong niya sa kausap na doktor. Hindi pa man niya nasisilip kung gaano kalaki ang hospital bill ay iniisip na niya kung saan kukuha ng panggastos. Ayaw niya ring maging mabigat sa mga magulang ang sitwasyon kaya pumasok din sa utak niya ang maghanap ng trabaho.
"Don't worry about the bill, hija. The guy who brought him here settled all the bills before he left. Consent na lang ang hinihintay namin," sabi ng doktor.
Tila naman nabunutan ng tinik si Cassy sa narinig. Wala na siyang alalahanin sa surgery ng kapatid pero hindi niya alam kung pagkatapos ng operasyon ay magising kaagad ito at maka-recover.
"Gano'n po ba? P'wede ko po kaya siyang makausap para sana makapagpasalamat man lang?" tanong ni Cassy.
"Hindi niya sinabi ang pangalan niya, eh. Pero bago siya umalis, pinabibigay niya ito." May kung ano'ng bagay ang kinuha ang doktor sa lab gown nito at ibinigay sa kanya.
"Phone po ito ng kuya ko," sambit ni Cassy nang iabot ng doktor sa kanya ang phone.
"He just left that. Ang sabi niya, ibigay ko raw sa iyo."
Cassy was expecting the doctor will give him the contact number of the guy he said. Pero phone lang pala ng kuya niya ang makukuha niya. Naalala niyang phone number nga pala ng Cole ang ginamit nito noong tawagan siya.
"Thank you, doc." Iyon lang ang nasabi niya. Hindi rin kasi niya alam kung madidismaya siya o matutuwa sa nalaman. Gusto man niyang pasalamatan ang lakaking sinasabi ng doktor, wala siyang magagawa dahil mukhang ayaw talaga nitong magpakilala sa kanya.
"By the way, we will start the operation in any minute," wika ng doktor.
"Hindi po ba delikado?"
"Risky siya pero gagawin namin ang lahat."
"Gawin n'yo po ang lahat para mabuhay ang kapatid ko," ani Cassy na halos maiyak na sa pag-aalala.
"Don't worry. We will do our best. I know he can survive." Iyon lamang at pagkatapos ay tinapik siya ng doktor sa balikat.
Cassy knew that her brother will make it. Cole is a good fighter so she was hoping for a good result.
Pero hindi pa rin talaga mawala sa isipan ni Cassy kung sino ba talaga ang lalaking tumulong sa kanyang kapatid. Napasilip tuloy siya sa phone ni Cole. Sino nga kaya ang lalaking iyon?