“SIGURADO ka ba sa gagawin mo, girl?” Iyon kaagad ang tanong ni Trixie kay Cassy. She decided to pretend as Cole after his operation. Halos tatlong araw na kasing hindi nagigising ang kanyang kapatid. Ilang araw na lang din at magsisimula na ang pasukan. Ayaw naman niyang mawala sa kapatid niya ang sholarship nito kaya hangga't wala pa itong malay, kailangan niyang magpanggap na si Cole.
“Wala akong choice. This is life and death situation and I don’t want my brother lose his dream.” Ganoon niya kamahal ang kapatid niya. She will do everything for Cole just to save his dream.
“Pero paano kung ma-discover nila na—”
“Are you going to help me or not?” agad niyang sabi bago pa makakontra ang kaibigan. Kitang-kita sa mga mata ni Cassy na pursigido siyang ituloy ang plano. But she knows that Trixie won't leave her helpless. Best friend niya ito kaya alam na alam niya kung paano mag-isip si Trixie.
“O-Of course! But—”
“Good!” Just like what she was expecting, papayag ito. “Let’s go!” Kaagad niyang hinila ang braso ng kaibigan.
“Saan naman tayo pupunta?”
“Sumama ka na lang!”
Walang nagawa si Trixie kung hindi ang sumama na lang kay Cassy. Inakyat lang naman nila ang kuwarto ni Cole at binuksan ang closet nito. Isa-isa niyang inilabas ang mga outfit na madalas suotin ng kakambal at inilatag ang lahat ng iyon sa kama nito.
“You are really serious about this.” Trixie was looking at her unconvinced.
Napabuga ng hangin si Cassy sabay hawak sa baywang. “Mukha ba akong nagbibiro? I am dead serious!”
“Kinkababahan kasi ako rito, girl,” ani Trixie sabay kamot sa ulo.
“Tutulungan mo ba ako o hindi? Last question!” She was like giving Trixie a hard time to decide. Pakiramdam tuloy nito ay last chance na nitong mabuhay sa mundo kung hindi siya sasagot.
Trixie sighed before she answered. “Fine! Ano bang gagawin ko?”
Naningkit ang mga mata ni Cassy bago lumapit sa kaibigan. “Hindi ba, you’re good at makeup tutorial?”
“Ano namang connect n'on sa gagawin ko?” tanong nito.
“Make me like my kuya.”
Namilog ang mata ni Trixie. Bet na bet talaga nitong make up-an si Cassy pero hindi sa ganoong paraan. At sa dinami-dami ng hitsura na gusto niyang ipagaya, mukha pa talaga ng kuya niya.
“Seryoso ka ba?” Napahawak sa dibdib si Trixie.
“Why? What’s wrong? Hindi ka na mahihirapan n'on kasi kamukha ko naman si Kuya Cole,” paliwanag ni Cassy.
“That’s the point, girl. You are exactly like Cole and he doesn't wear any makeup.” Hindi madali ang pinapagawa ni Cassy. Alam ni Trixie iyon at hindi rin nito alam sa paanong paraan nito magagaya ang hitsura ng kakambal niya.
“You have a point. Pero tulungan mo na lang akong maging si Kuya Cole,” sabi niya.
Trixie walked around her like she’s observing her whole body. “Alam ko na!” Napapitik si Cassy ng daliri na tila ba may bigla itong naisip.
“What?!”
“Can you give me a picture of Cole?”
Cassy grabbed the picture of her brother on the bedside table.
“This.” Ibinigay niya kaagad iyon sa kaibigan. Pinagmasdan namang maigi ni Trixie ang litratong ibinigay niya.
"You and your brother have the same features naman. Maliban lang a mas may jawline ang kapatid mo compare to you. I-contour na lang natin siguro,” paliwanag ni Trixie.
“Mabuti naman, hindi na tayo mahihirapan pa kung sakali.”
“Wait. We still have a problem,” dugtong ni Trixie.
“What else?” Napunta ang paningin nito sa ulo niya. At that moment, she knew what Trixie meant. “Nah! No! Not my beautiful hair!” kontra kaagad ni Cassy. Alam kasi niya ang nasa isipan ni Trixie. If she wanted to be look like his twin brother, she needs to cut her hair just like him. Pero iyon ang pinakaayaw niyang gawin sa lahat—ang magpagupit ng gupit lalaki. She tried it once noong magkamali siya ng gupit ng bangs sa buhok niya and their parents decided to brought her at a salon and they cut her hair just like Cole.
Naging magkamukha naman sila. Kaya lang, na-bully si Cassy ng mga classmates niya because of that. At ayaw na niyang mangyari ulit ang bagay na iyon. Never. Ever.
“Girl, we have no choice. Either we cut your hair or we’re not going to do this. Mamili ka.” Cassy felt she was cornered with that.
“Wala na bang ibang paraan? Hair cut talaga?” she asked.
“Meron naman. But it’s not convenient,” sambit ni Trixie.
“Pagpapanggap pa lang, hindi na convenient. Since I'm going to do this, papanindigan ko na!” Malakas talaga ang loob ni Trixie. Nakasalalay sa kanya ang lahat kaya kahit ano pang inconvenience ang maranasan niya, tatanggapin niya na lang kaysa mawala nang tuluyan ang scholarship ng kapatid niya sa Montecillo University.
"Let’s go to the mall. Maybe toupee will solve our problem,” Trixie suggested.
Kaagad naman niya sinunod ang kaibigan. Pumunta sila sa isang mall na malapit lang sa subdivision na tinitirhan nila. They went to a hair salon na nagtitinda rin ng mga toupee o iyong mga peluka.
"Hi, miss! Meron ba kayong hairstyle na katulad ng sa kanya?” Cassy asked the staff while showing the picture of her twin brother on his phone.
“Follow me, ma’am.” Sabay na nagkatinginan ang dalawa bago sinundan ang staff na pinagtanungan niya.
Pumasok sila sa isang room kung saan naka-display ang iba't ibang klase ng wig na pambabae at panlalaki.
Kumuha ang staff ng isang peluka at ipinakita iyon sa kanila. “Ganito po ba?”
It is exactly the hair of Cole. Tuwang-tuwa silang makita ang pekeng buhok na iyon na siyang gagamitin ni Cassy sa pagpapanggap.
“Wear it!” utos ni Trixie sa kanya. Agad naman silang naghanap ng salamin at isinuot ni Cassy ang hawak niyang toupee.
"OMG!” Hindi makapaniwala si Cassy sa nakikita sa salamin. Magkawangis na magkawangis sila ni Cole at bawat detalye ng mukha nito ay nakuha niya.
“Nakakabudol din pala ang kaguwapuhan mo, girl. In fairness, kamukhang-kamukha mo na si Kuya Cole!”
Mukhang wala nang urungan 'to.