FELICITY'S POV "Mama--mama--mama--" Nakaramdam ako ng munting kamay na tumatapik sa mukha ko. Naulinigan ko rin ang cute na cute na boses ng anak ko kaya unti-unti kong imimulat ang aking mga mata at bumungad nga sa akin ang aking little Maxx na si baby Axel. "Mama--mama--Wake up..." hinawakan niya ang mukha ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Napangiti ako pero napangiwi rin ako ng kumilos ako dahil sobrang sakit ng katawan ko. Para na naman tuloy akong binugbog ng sampung tao! Pinilit kong makaupo ng maayos. Naalala kong narito nga pala ako sa kwarto ni Maxx. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit narito si Axel sa kwarto ni Maxx. "Here's your lunch, babe..." rinig kong boses ni Maxx. Bumukas ang pintuan at pumasok si Maxx na may dalang isang tray na puno ng pagkain. Halos hin

