FELICITY'S POV "Are you ready?" ani Maxx sa akin habang naglalagay ako ng light make up sa mukha ko. Ngayon na kasi ang araw at oras ng pakikipagkita ko kay Robi. Hindi rin siya pumapayag na hindi sila kasama ni Axel pero ang sabi niya ay hindi siya magpapakita at maghihintay na lang daw siya sa malayo-layo. Nagsuot lang ako ng simpleng long floral dress na iniregalo pa sa akin ni Robi at flat sandals na binili ko pa sa America. Napabuntong hininga muna ako bago ako sumagot kay Maxx. "Ready! Kinakabahan ako pero alam kong maiintindihan ako ni Robi." malungkot na saad ko. Lumapit sa akin si Maxx at niyakap ako. Hinalikan niya rin ako sa ulo at hinaplos ang aking likuran para pakalmahin ako. "I know, he will..." Pagbaba namin ay naglilinis si Manang Celia ng malawak na dining tabl

