FELICITY'S POV "Maxx? Sinong kausap mo?" nagtatakang tanong ko. "Oh, bakit gising ka pa? Anong oras na, ah?" hindi niya sinagot ang tanong ko kung sino ang kausap niya. "Naalimpungatan lang ako dahil wala ka sa tabi ko. Sino palang kausap mo? May problema ba?" pagbabalik ko sa tanong ko na gusto kong sagutin niya. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. "Ahh... W-wala yun. Wrong number. Makulit e, tawag ng tawag sa akin kahit sabihin ko ng ibang number ang tinatawagan niya. Ayoko namang magising ka kaya lumabas na muna ako." "Sigurado ka bang walang problema?" "P-problema? Wala, ah. You know I can handle anything and everything, Fel. So, don't worry. Ayaw kong na-iistress ka dahil baka makaapekto pa sa baby natin." aniya at hinimas pa ang tiyan ko. Pinaun

