FELICITY'S POV Hindi ko maintindihan kung bakit nakatitig pa rin ako sa likuran ng babaeng nagngangalang Lena kahit na malayo naman na siya mula sa kinatatayun ko. Hindi ko nga alam kung bakit natameme ako ng makita ko siya kanina gayong mas madalas talaga akong magtanong sa mga taong ngayon ko lang nakilala. Napapaisip nga ako kung bakit parang ang dami ko pang hindi alam tungkol kay Maxx. O kasalanan ko rin dahil masyado na akong kampante at hindi na nagtatanong? "May gusto ka pa bang kainin?" tanong sa akin ni Maxx matapos kong maubos ang steak na nasa plato ko. "Wala na, busog na ako." sagot ko pagkatapos ay uminom na ako ng tubig at nagpunas ng tissue sa bibig. "Are you sure? We can order some while we here?" paninigurado pa niya pero umiling na ako. "Wala na, okay na talaga

