MAXX'S POV "Maxx? Humingi na kaya tayo ng tulong kina Leiutenant? "Humingi ka ng tulong sa kanila, Ate Xena. Didiretso na ako sa bahay ampunan na sinasabi nila. Wala na akong dapat na sayanging oras dahil baka hindi ko na maabutan ang aking mag-ina." determinandong sambit ko. "Okay, Maxx. Mag-iingat ka. Babalik ako kasama ng mga back up natin." tinapik lang ako sa likod ni Ate Xena at naghiwalay na kami ng landas. Habang pinatatakbo ko ang motorsiklo ko ay walang ibang nasa isip kundi ang mag-ina ko lang. Hindi pwedeng maagaw sila sa akin ng Robi na yun dahil pamilya ko yun! Asawa at anak ko ang pilit niyang inaagaw sa akin! At hindi kung anong bagay lang! Habang binabaybay ko nga ang kahabaan ng daan patungo sa pier ay inabot na rin ako ng pagputok ng araw. Sa di kalayuan ay nakar

