MAXX'S POV Halos hating-gabi na rin ng makauwi kami ni Ate Xena. Ang una kong ginawa ay pinuntahan si Felicity sa kwarto niya para sabihin ang magandang progress ng pagkuha ni Robi kay Axel pero pagpasok ko sa kwarto niya ay maayos ang higaan at halatang hindi siya rito natulog kaya naisipan kong puntahan ang silid ni Baby Axel. "Fel?" tawag ko sa kanya pagpasok ko pero wala din siya. Hinanap ko pa siya sa CR, sa swimming pool, garden at kung saan-saan pa pero hindi ko talaga siya makita. "f**k! What did you do, Felicity!" napamura na ako ng malakas dahil sa sobrang pagkadismaya ko. Mas lumala pa ng makita ko ang notes na iniwan niya sa ibabaw ng dining table! "Bakit ba lagi na lang siyang nagdedesisyon ng hindi ipinapaalam sa akin?" kusa ng napasuntok ang kamay ko sa lamesa. "Max

