Chapter Nine: Seanley's Surprise.
Heather Alexandra's Point Of View.
Nandito na ako sa Labas ng School halos walang katao-tao.
Parang walang pasok hayst ganito talaga pag maaga kang napasok feeling mo ikaw lang yung tao.
Ay oo nga pala di ako maaga pumasok late na nga pala ako nung last na maaga akong pumasok grade six pa ako nun.
Late na naman ako pero twenty five minutes lang naman kasi kung minsan nga di ako pumapasok sa first subject.
Okay lang malate basta pumasok.
-pasulot ng mga estudyanteng laging late sa klase.
"Heather, Why are you late?" sanay naman ako na lagi yan ang bungad ni Sir Gomez sakin.
Wala akong kasamang malate nauna na kasi mga kaibigan ko sakin na pumasok.
"Sir naubusan ng gasulina yung sasakyan ko" saad ko kahit di naman talaga.
Napakunot yung noo ni Sir Gomez.
Ganun ba talaga ako kaganda para mapakunot ko noo niya?
"Malapit lang naman ang school na ito sa bahay niyo Miss..." di ko na inintindi pa ang mga sinabi niya pumasok na agad ako sa loob ng classroom.
"Heather sinabihan na ba kitang pumasok sa loob ng klase ko?" tanong sakin ni Sir.
"Sinasabi pa pala yun?" bulong ko.
"Sagutin mo yung tanong ko" Ang aga-aga galit na galit sakin.
May regla ka Sir?
"Hindi niyo po ako pinapasok Sir" pag lilinaw ko syempre honest na din.
"so bakit ka pumasok?" parang walang balak si Sir na papasukin ako.
"Sir papayag ka ba na nakatayo lang jan sa labas ang Reyna ng school na ito?" tanong ko sa kanya.
"Ang dami mong dahilan maupo ka na nga" saad ni Sir.
Naupo ako sa tabi ni Seanley ito naman talaga ang pwesto ko.
"may Surprise ako sayo mamaya" bulong ni Seanley sakin.
Tumingin ako sa kanya na may halong pag tataka..
"Anong nakain mo?" tanong ko kay Seanley..
"Totally hindi ako kumain" saad ni Seanley.
"Ah hindi ka pa kumain?" tanong ko sa kanya.
Concern kasi ako baka gutom lang siya kaya niya ako isusurprise.
"yap" saad niya.
"ay talaga? Wala akong paki" saad ko.
Bboom panis akala mo concern talaga ako? No way.
"Ako din pala di pa kumakain" saad ko naman.
Usapang kainan na this.
"kainin kaya kita?"
ang wild mo Self wag kang ganyan.
"You are so Jerk" saad ni Seanley.
"ano?" nagulat ako kasi sinabihan niya ako ng Jerk.
Nagulat ako kasi di ko alam ibig sabihin.
Alam ko alam ko dati yun nakalimutan ko lang.
"Nothing basta mamaya wag ka muna umuwi agad" saad ni Seanley.
Nakinig ako buong klase.
Pero syempre charot lang nakatunganga lang ako buong klase hanggang uwian yan ang totoo.
"Sasabay kaba samin Heather?" tanong ni Serena kasalukuyan nandito kami ngayun sa hallway kasama si Julia at Paula.
Nag lalakad-lakad kami.
For today wala akong nabully tinatamad pa ako siguro schedule na lang natin bukas.
"Ahm siguro hindi na" saad ko naalala ko kasi bigla na may surprise pala sakin ngayun si Seanley.
"May surprise daw kasi sakin si Seanley Curios lang naman ako kung ano yun and then kung bakit niya ako isusurprise" saad ko.
Inunahan ko na sila alam ko namang mag tatanong sila kung bakit
Nag ring yung phone ko hudyat na may nakaalala sakin este tumawag.
Napahinto ako sa pag lalakad para sagutin kung sino yung tunatawag.
"Heather, punta ka dito sa Parking Area nandito na yung surprise ko para sayo" saad ni Seanley.
Yes si Seanley yung tumawag sakin.
Di na ako nag salita binabaan ko na siya ng phone.
"Paula, Julia samahan niyo ako sa may parking Area" saad ko.
Nag lakad ako papunta sa Parking Area ng school na ito para makita kung ano yung surprise ni Seanley at para malaman na din kung Bakit niya ba ako kailangang isurprise.
Nakarating na kami ng parking Area I saw Seanley na may kasamang babae may pinag uusapan sila.
Nilapitan ko sila para maagaw moment nila.
"Ah Heather this is my Surprise" tumingin ako sa babae na tinuturo niya.
"Why are you here?" tanong ko kay Ate Hazel.
Si Ate Hazel lang naman pala ang surprise niya sakin pero di ako natuwa.
Worse surprise ever.
"Hindi ba pwede na bisitahin ko lang yung pinaka mamahal kong kapatid?" hinawakan niya ang pisngi ko pero inalis ko yung kamay niya.
Kadiri kaya mamaya mapunta pa sakin yung dumi ng kamay niya yuck.
"sinong kapatid?" tanong ko.
"ikaw malamang may iba pa ba akong kapatid?" tanong ni Hazel ay Ate Hazel pala.
"Ay O M G di ako nainform may kapatid pala ako?" saad ko..
Di ko dama na may kapatid pala ako.
"Alex ikaw na lang itong dinadalaw ng Ate mo oh" saad ni Seanley sabatero.
Tumingin ako kay Seanley "Don't call me Alex ang cheap ng name" umiwas agad ako ng tingin para tignan mula a baba pataas ang Ate Hazel ko.
"Julia tara Umuwi na tayo" saad ko.
Sumunod silang dalawa sakin si Julia at si Paula.
"Ate mo ba siya?" tanong ni Paula sakin.
"di ko masabi" saad ko.
Tumango na lamang siya.
"Sige Paula pwede ka ng umuwi" saad ko.
Tinext ko mga kaibigan ko dahil nad trip ako.
Bakit pa kasi umuwi yang Hazel na yan nakakabwisit talaga.
"Maecy, sabihan mo sila Daisy at Serena na mag mamall tayo ngayun As in ngayun na kita kits" and then send.
Wala pang isang minuto nag reply agad si Maecy sa text ko.
"Okay, dating gawi?" reply niya.
"Yes kaya dalian niyo na di na nga ako nakapag palit ng damit" send ulit.
Hinihintay ko ngayun si Manong Berto para may mag hatid samin ni julia sa Mall.
Ayaw ko talagang mag commute naha-haggard ang face kong napaka ganda.
Maganda pa sa maganda.
...
"Di niyo man lang ako sinabihan na Dito pala kayo didiretso" saad ko.
Nandito na ako ngayun sa mall kasama ang mga friends ko di man lang ako ininform na dito pala sila didiretso.
"pano ka namin sasabihan kung excited na excited ka na makita si Seanley?" saad ni Daisy.
"Kaya nga halatang-halata na inlove kana kay Seanley" pang aasar ni Serena.
Kainis sana pala di na lang ako nag salita.
"No i will never fall inlove to him" buwelta ko sa kanila pero nag tinginan silang tatlo na para bang inaasar lang ako.
Kainis.
Ever since di pa ako nag kakaboyfriend at di pa ako naiinlove i mean di ko pa naranasan mainlove sa isang lalaki.
Ayaw na ayaw ko kong maranasan na mahal ng isang lalaki kasi LOVE IS JUST A WASTE OF TIME so that's why i will never fall inlove.
Pumasok kami sa isang restaurant naupo kami sa bandang dulo.
Si Maecy ang kumuha ng Order namin agad naman siyang nakabalik kasi unti lang yung pila.
Nag tatawanan lang silang tatlo habang nag kikwentuhan habang ako ito nasa isang tabi Lonely pero pretty.
"Alex mag join ka naman samin oh" saad ni Daisy nakakainis narinig ko na naman yung word na Alex.
"Don't call me Alex naiinis ako ngayung araw" saad ko.
Napatingin na lang ako sa gilid ko ma fully glassed kaya nakikita ko kung anong meron sa labas.
I saw two girls na kasama yung parents nila habang nag-ienjoy bakas sa muka ng dalawang bata ang saya at halatang-halata na close sila sa isa't-isa.
Di ko na namamalayan na titig na titig na pala ako sa pamilya nila.
"Sana ganyan din kami" bulong ko sa hangin.
"May sinasabi kaba Alex?" tanong ni Serena.
"Wag niyo nga akong tinatawag na alex" saad ko.
"Ang Hirap naman kasing pigilan kasi ever since yan naman ang tawag namin sa'yo" saad ni Maecy.
"yap simula nag kakilala-kilala tayo Alex na ang tinatawag namin sayo then until one day ayaw mo ng tawagin ka namin na alex" dagdag pa ni Serena
"Alam niyo naman yung dahilan diba?" Wala talaga akong nililihim sa kanila kahit ano.
Ultimo nunal ko sa likod alam din nila.
"Sa bagay" napatango na lang sila.
"Alam niyo mag shopping na lang tayo"
Lumabas kami ng Restaurant at pumunta sa may pinaka malapit na Watson.
Halos lahat ng makita nilang tester tina-try nila.
Ako syempre di ko tina-try mamaya mag kasakit pa ako dahil jan or elsa masira balat ko.
"Julia kumuha ka na ng gusto mo libre ko" saad ko.
Kumuha ako ng basket para dito namin ilalagay yung mga napili namin.
"Heather Libre mo din kami ah" nag puppy eyes pa si Daisy habang sinasabi yan.
Nag iisip ako kung ano yung sasabihin ko.
Mapapagastos ko nito ah.
Di pa nila ako hinihintay na mag salita nag lagay na sila ng nag lagay sa shopping Basket.
Di man lang sila nahiya sakin.
"Ano tapos na ba kayo mamili?" tanong ko sa kanila.
"Yap tara mag bayad kana" saad ni Serena.
Pumunta kami sa counter dala-dala ang isang basket.
Kaunti lamang ang pila kaya nakapag bayad kami agad.
Kung wala lang akong konsensya di ko talaga ito babayadan eh pasalamat sila mabait ako.
Sa simpleng pag pasok ng mall Naka gastos ako ng five thousand.
Lumabas na kami ng watson at tumambay na lang sa may fountain na Nandito sa Sm.
"Ma'm Heather salamat po" saad ni Julia.
"It's okay" saad ko nAman.
Pinag mamasdan ko lang yung napaka gandang fountain hanggang sa mag salita si Maecy.
"Heather di mo pa pala nasasabi kung ano yung sinurprise sa'yo ni Seanley" saad ni Maecy
"that was a worse surprise ever" saad ko.
"Bumalik si Ate Hazel yun yung surprise niya" dagdag ko pa.
"Atleast Seanley tried to make you happy" Maecy has a point siguro akala ni Seanley na magiging masaya ako pag nakita ko yung nag iisang kapatid ko.
Pero lahat ng yun ay kabaliktaran di ako naging masaya nung makita ate ko.
Hindi ko alam bakit ang tagal ko bago maka move-on dahil sa past na nangyari samin ni Ate Hazel.
Hindi madaling kalimutan iyon.
END OF THE CHAPTER.
Kaunti na lang at malalaman na natin ang dahilan ni Heather kung bakit sobrang hate niya ang kapatid niya.