Chapter Eight: Kindness?
Heather Alexandra's Point Of View
Habang nakahiga ako tinawagan ko yung Dad ko para kausapin.
"Hello Dad?" pangunguna ko.
"Oh Hello Heather bakit ka pala napatawag?" sanay naman ako na lagi yan ang tanong niya pag tinatawagan ko siya.
Minsan nag sisinungaling ako kung ano ang dahilan kasi minsan gusto ko lang talaga marinig yung boses niya.
"Dad kasi gusto ko lang tulungan yung isang kakilala ko para makapag aral, Dad pwede ba ienroll mo na lang siya sa School natin?" direct to the point agad na tanong ko.
"Sure bukas pwede mo na siyang pag umpisahing pumasok" saad ni Daddy at in-end ang call
Today is a New Day syempre joke lang
Wala naman kasing bago ngayung araw ang ganda ko pa din talaga.
Nandito ako ngayun sa Garage hinihintay si Manong Berto para ihatid kami ni Julia sa School Gamit ang kotse ko.
"Mang Berto bakit ba kasi ang tagal mo?" tanong ko Dito.
"Ah ano kasi ma'm Heather" napapakamot siya sa batok niya alam kong wala siyang maisip na dahilan.
Ayaw niya bang sabihin ang totoo?
Kung ano yung ginawa niya?
"ma'm Heather takot kana po ba na mahuli sa Klase?" tanong sakin ni Julia.
"Of course no, gusto ko lang malaman kung anong ginawa n manong Berto" saad ko.
"Pero sige tara na nga baka hinihintay na ako ni Paula" saad ko at pumasok na sa loob ng kotse.
Nakarating na kami dito sa tapat ng School papasok na sana si Mang Berto sa Parking Lot Area para mag parking.
Alangan namang mag jogging?
"Manong Berto dito na lang kami" saad ko.
Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa bumaba na agad ako ganun din ang ginawa ni Julia.
Hindi na nag tanong si Manong Berto kung bakit pinigilan ko siyang mag punta sa may parking lot area.
Mula sa entrance ng Allison Mid Montesorri nakita ko si Paula na naka civilian.
Tumawid ako para kausapin siya at tupadin yung sinabi ko.
"Good morning ma'am Heather" saad niya.
"Tara sumunod kana sakin" saad ko.
Sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng School.
Bakas sa mukha ni Paula na manghang-mangha siya sa ganda at laki ng paaralan ito.
Tinext ko yung friend kong haliparot este tinext ko pala si Sirena.
Text to Serena.
Nasan kayo?
Maya-maya agad namang tumunog yung phone ko.
One Messages From Serena.
Cafeteria, nandito ngayun si Giselle kasama si Gianna
Wala pa naman akong ganang makipag away ngayun.
"ang ganda na ng araw ko mukhang masisira pa ah" bulong ko.
"Ma'm Heather may sinasabi ka po ba?" tanong ni Julia.
"Wala, tara na sa Cafeteria nandun sila" saad ko..
Nandito palang kami sa Bungad ng Cafeteria nasira na ulit twenty four hours ko.
Kumaway samin si Maecy at nilapitan ko ito.
Pag pinuntahan ko sila Maecy mapapadaan ako sa pwesto nila Giselle.
Kasama nila Maecy ang ex boyfriend at ngayun ay boyfriend ulit ni Serena walang iba kundi si Ashton Damien Austria.
One Tables apart lang sila.
"Opps naamoy niyo ba yun?" tanong ko kay Paula at Julia.
"Ang alin?" sabay nilang tanong.
"Amoy napakasang-sang na isda" saad ko.
"Hayst never mind na nga lang baka may matamaan" bigla namang tumayo si Giselle.
"Nag paparinig kaba?" tanong niya sakin.
"Totally hindi, Kung natamaan ka edi ikaw yung Isda" saad ko.
"Ay sorry di ka nga pala isda kasing amoy ka lang ng isda pero Frog ka, Echoserang Frog" dagdag ko pa at binangga siya.
Wala kasi sa bukabularyo ko ang makipag away NGAYUNG ARAW ngayun lang bukas hindi na.
"You know girl I am also a frog" Saad ni Serena ang haliparot kong friend.
"Huh?" pag tataka ni Ashton sa kanya.
"Frog-ing nanjan para sayo" nag tinginan sila sa isa't-isa at kinurot ni Serena ang pisngi ni Ashton.
"Respeto sa walang jowa" saad ni Daisy.
"Ang sarap niyo buhusan ng sampung baldeng Pulang langgam" saad ko.
Wala eh inggit ako.
"ang bitter niyo naman" saad ni Serena.
"Babe later gala tayo ah" saad ni Serena kay Ashton.
"Okay Babe" saad naman ni Ashton.
Kring...
Hudyat na umpisa na ng klase.
"Tara Paula sumunod ka lang sakin" saad ko.
Tumayo kaming lahat "Ten minutes pa bago mag umpisa ang klase natin" saad ni Maecy.
I check my phone.
Yes ten minutes pa bago mag umpisa ang klase namin.
"so para san yung bell?" tanong ko sa kanila.
"Let's find out" saad ni Maecy dali-dali kaming pumunta sa labas ng Cafeteria.
Sa kamamadali ko hindi ko napansin na may isang taong papasalubong sakin.
Nag banggaan kami at parehas kaming sumalampak sa Simento.
Nakakainis.
Nagka eye-to-eye kami ni Seanley yes tama si Seanley ang nakabangga ko.
Nasa harap niya ako ngayun nakapatong.
"Alam mo kaysa titigan mo ko umalis ka na lang jan sa harap ko" saad ni Seanley.
Ang sweet ng voice niya at ang ganda ng mga mata niya.
No no no Erase erase erase ayaw ko sa kanya he's so Ugly.
"Heather wake up na sa room kana lang matulog" kinakapik-kapik ako ni Daisy.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.
"it's Already 8:15am" our class started at 8:00 am so late na pala ako.
Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid wala na palang mga estudyante tanging kami na lang ni Daisy.
"Nasan si Seanley?" tanong ko sa kanya.
"Si Seanley? nasa room na totally naabutan ka niyang natutulog dito kanina" paliwanag ni Daisy.
"Natutulog?" napaiwas ako ng tingin ss kanya.
"So it means nakatulog ako habang bumabanat si Serena kay Ashton and then panaginip lang pala yun" saad ko.
"Heather sino kausap mo?" tanong ni Daisy.
"Wala" sagot ko.
"Gusto mo ipa-psychologies na kita?" saad ni Daisy..
"Tara na nga ang dami mo pang sinasabi" saad ko.
Nag lakad ako papunta sa exit ng cafeteria.
"nag taray na naman po siya" narinig kong sinabi ni Daisy.
Tinignan ko siya ng masama dahilan para mag madali siyang lumapit sakin.
Nag lakad kami papunta sa Room.
"Daisy, Heather why are you late?" tanong ni Sir Gomez.
Kasi di kami maaga pumasok alam mo yun sir?
"Ah sir kasi po si Paula akala namin nawawala hinanap po namin" palusot ni Daisy. Kahit alam niyang nasa loob naman na talaga si Paula.
" di siya nawawala kasabay niyang pumasok sila Serena" saad ni sir Gomez.
Siyempre kunyari di namin alam kaya nag maang-maangan kami.
"Pano niyo pala nalaman yung pangalan ng new student?" tanong ni Sir.
"Ako lang naman ang nag pasok sa kanya dito sa school na ito" mayabang na sagot ko.
"So pwede na po ba kaming pumasok?" tanong ko.
Hindi pa nakakasagot si Sir Gomez ay agad na akong pumasok tutal yun din naman gagawin ko mamaya edi ginawa ko na ngayun.
"Late ka na naman kala mo di ko alam ang dahilan" pasimpleng bulong sakin ni Seanley.
"I don't care" saad ko
...
"Bukas mo na lang ako itutor okay?" saad ko kay Seanley.
By the way uwian na namin ngayun wala na naman akong natutunan lagi naman wala ng pinag bago dun.
"okay fine siguro sasabihin ko na lang muna sa dad mo na natulog ka lang buong klase" saad ni Seanley.
"Ano deal?" tanong niya.
"ah sabi ko nga diba sumama ka na sakin papunta sa bahay kasi tuturuan mo ko" saad ko.
Nakita ko si Paula na nag iisa lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng isang libo.
"Paula, take this" i gave her 1000 pesos.
Wala gusto ko lang tulungan siya.
"Ah hindi na po" saad niya.
Muli niyang ibinalik sakin yung isang libong binigay ko.
"Why?" tanong ko sa kanya.
"kasi po Malaking tulong na po kasi sakin yung nakapag aral ako dito Hindi ko na po kailangan pa niyang isang libo na yan pero gumagawa po ako ng paraan para kumita" saad ni Paula.
"Pangako po gagawa ako ng paraan upang masuklian yung mga kabaitan na ginawa mo para sakin, hindi ko sasayangin yung opportunity na ibinigay mo Sakin Heather" dagdag pa niya.
"Si Heather mabait?" tanong ni Seanley..
Nakasunod pala sakin si Seanley di ko man lang napansin.
"Shut up okay?" saad ko kay Seanley
"sige umuwi kana" saad ko naman kay Paula.
Pumunta ako sa parking Area ng school pero wala pa si Manong Berto.
"Ma'm Alex nag text po si Manong Berto baka mamaya pa daw po siya makarating dito nasiraan daw po yung sasakyan mo" saad ni julia at binaba na ang phone niya.
"Sumabay ka na lang sakin tutal dun din naman ang punta ko sa inyo" saad ni Seanley.
"hindi na, mamaya mag karun pa ako sayo ng utang na loob" saad ko.
"ang arte mo naman sumakay kana" saad ni Seanley.
Hindi ko alam kung bakit hindi siya natatakot sakin i mean sa mga kaya kong gawin.
Totally natatapatan niya ako pero di siya yung tipo ng taong kayang mambully gaya ng mga ginagawa ko pero siya yung tipo ng lalaking mahilig mang asar at mang inis yun yung pinaka ayaw ko sa kanya.
"Julia, Dun kana lang maupo sa tabi ni Seanley" saad ko.
Sinunod naman ako ni Julia.
Maya-maya pa nakarating na kami sa bahay.
Walking distance lang naman ang school na pinapasukan ko sa bahay na tinitirahan ko.
Pero gusto ko pa din mag kotse para di mag karun ng Dumi katawan ko.
Tsaka nakakapagod din kayng mag lakad.
Pumasok kami sa loob ng bahay namin kasama si Seanley..
"Yaya Shay paki handa naman kami ng foods we're hungry na eh" saad ko.
"Ikaw lang di pa ako gutom" saad ni Seanley.
"Samin lang ni Julia di ka kasali okay?" saad ko sa kanya.
Oh ano pahiya ka ngayun?
Pag katapos naming kumain agad naman akong nag tungo sa kinaroroonan ni Seanley.
Nilapag ko yung mga gamit ko sa Table na nasa harapan namin.
"Let's start?" tanong ni Seanley.
"ipapaalala ko lang sayo na pag wala kang natutunan di ko ibibigay mga gamit mo at pag may natutunan ka ibibigay ko na lahat" saad ni Seanley.
Kailangan ko talagang may matutunan ngayun.
"Really lahat talaga ng gamit ko ibibigay mo once na may matutunan ako?" tanong ko dito.
"Yap"
Nag umpisa ng mag discus si Seanley.
Nakikinig talaga ako ng mabuti pparasa mga gamit ko.
Hekasi ang unang subject na tinuro niya sakin sunod naman ang Science hanggang sa matapos na kami.
Hindi naman pala mahirap makinig yun nga lang nakakaboring.
"May natutunan kana ba?" tanong sakin ni Seanley.
"Yap" saad ko
"Tell me what you have learned"saad ni Seanley.
Taray naman may paenglish english na.
"Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia" ang talino ko na talaga.
"Correct, The North Asia is made up of former Soviet Central Asian countries" Bida-Bida ka Seanley.
"Ini-english mo lang yung sinabi ko" alam ko din naman kasi yung English nun di ko lang sinabi.
"Baka wala kang natutunan sa mga ping sasabi mo kaya ini-English ko lang sinabi ko" saad ko.
Hindi ko alam kung bakit napapangiti si Seanley.
Siguro narirealize niya na mas matalino talaga ako sa kanya.
"Excuse me Po ma'am Heather" napatingin naman ako kay Manong Berto.
Nakatingin lang ako sa kanya at Hinihintay ko lang siyang mag salita.
"ma'am Heather nag padala po ng sulat ang Mommy at ang Ate Hazel mo" inabot niya sakin yung sulat mula kay Mommy at sulat na galinsa Ate Hazel ko.
Yung Sulat lang galing kay Mommy ang kinuha ko.
"Pakibigay na muna yan kay Julia pakisabi itago niya muna wala akong panahon para basahin yan" saad ko.
Umalis na si Manong Berto sa harap ko para sundin yung inuutos ko.
Mamaya ko na itatanong yung tungkol sa Kotse ko nawalan agad ako ng gana.
"Alex, Bakit ba galit na galit ka jan sa Ate mo?" alam kong Seryoso si Seanley sa tanong niya.
Sasagutin ko ba?
"First don't call me Alex and someday malalaman mo din yung Reason kung bakit galit na galit ako sa Demonyitang Hazel na yun" saad ko.
hindi pa ngayun ang tamang panahon para malaman niya.
...
Nakauwi na si Seanley sa bahay nila.
Ako naman naka tambay dito sa Balkonahe.
Binasa ko yung sulat na binigay sakin ni Mommy.
Dear Alex.
"Parang ayaw ko na ituloy" saad ko.
ALEX kasi agad ang bumungad sakin.
Okay let's continue.
Dear Alex.
Alex this is the only way para masabi ko sa'yo ang mga gusto kong sabihin di mo naman kasi ako kinakausap pag wala kang kailangan.
Sana mag kaayos na kayo ng Ate Hazel mo forget about the past mag kapatid kayo diba?
Sana matuwa ka bukas at mag kaayos na kayo ng ate mo.
"Love mommy" ano naman kayang surprise iyon.
END OF THE CHAPTER