Aria Monique’s Point of View “Ha?” Pra siguro akong tanga na nakanganga sa kanila kaya bigla na lang silang tumawa. Ang masaklap, pati yung katabi ko narinig kong humalakhak. Aba, parang hindi sumayaw ang kawayan sa harap ko kanina ah? “Ang sabi namin, kung pwede ka bang mag try out sa SJDC. We saw you earlier at halata namang you know dancing, and you’re quite good at it,” Rose explained. Hindi ko siya kilala pero parang pamilyar yung mukha niya. Sikat kasi ang Street Jazz Dance Company sa campus kasi palagi silang nag peperform everytime may event. At magaling talaga sila kaya mahigpit din sa pagpili ng mga members. Kaya ako nagulat na iniimbitahan nila ako. Matagal ko ng gustong sumali kasi kahit hindi halata ay gusto ko talaga ang pagsasayaw. Isa yun sa mga maipagmamalaki kong kay

