Aria Monique’s Point of View “Carter!” Napalakas yata yung pagtawag ko sa pangalan niya kaya pinagtinginan ako ng mga tao sa CAS Building pero masaya talaga ang araw ko kaya hindi ko na napigilan. He looked at me and then smiled as he raised a paper bag in his hand. Tatak pa lang ay alam kong shawarma rice yun. “Bakit ang saya mo yata?” he asked. Agad akong kumapit sa braso niya as we walked towards his car. Noong makapasok na kami sa sasakyan niya, agad kong hinalungkat yung shoulder bag ko. I flipped one of my notebooks at sa wakas nakita ko na rin yung 1/4 sheet ng yellow paper. “Look! Perfect ako sa quiz!” I excitedly said. Hindi ko alam bakit ang saya ko when in fact GE course lang naman yun. Baka ganito talaga kapag alam mong naging pabaya ka dati. Aminado naman ako na napabaya

