"Dude siguro naman makakapagpahinga kana ng mabuti. Maayos na ang kalagayan ni Alonzo. At di ako papayag na babalik ka agad sa trabaho. Baka ikaw naman ang idala namin sa hospital" ang sabi ni Jordan nasa bahay na sila. Nakalabas na din sa wakas si Alonzo. Pero ang pinagaalala ni Albie sa kanyang anak ay di pa din ito nagkwento sa nangyari dito. Ayaw niya magtanong dahil baka mapasama sa kondisyon niya ngayon dahil bawal dito ang ma stress sabi bg doctor. Napabuntong hininga ng malalim si Albievat ibinagsak nito ang katawan niya sa kama. Agad naman na tumabi si Jordan sa kanya. "Thank you dude. Di mo ako iniwan." ang ngiting sabi ni Albie. "Syempre naman. Hindi.... Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita dude" ang naluluhang sabi ni Jordan. Umaapaw ang kaligayan ni Jordan ngayon

