Kakagising lang ni Albie. Hinanap niya agad si Jordan. Mahaba haba din ang tulog ni Albie. Agad nitong naisip ang sinabi sakanya ni Jordan. Napangisi ito. Matagal tagal din silang walang nangyayari sakanilang dalawa. Dahil na din sa nangyari sa kanyang anak na si Alonzo. Lumabas ito ng kanyang kuwarto at pumunta muna siya sa kuwarto ng kanyang anak. Pagbukas ng pinto ay agad nitong nakita si Alonzo na nakatayo sa harap ng bintana. "Alonzo" Dahan dahan siyang lumapit sakanyang anak. "Alonzo" Humarap si Alonzo sakanya. At umiiyak. Nagulat si Albie sakanyang nakita. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. "Dad why? B-bakit nangyari yun sa akin? Dahil bang masama akong anak?" ang umiiyak na sabi ni Alonzo Lalong humigpit ang yakap ni Albie sakanyang anak. Sobrang sakit. Napak

