Hindi alam ni Albie kung bakit di pumasok sa trabaho si Jordan. Sa pagkakaalam niya ay kinausap na siya ng kanyang Daddy tungkol sa pagtratrabaho sa kumpanya. Ilang buwan na nakakalipas hanggang ngayon di na niya nakikita si Jordan. Pinuntahan na niya si Jordan sa bahay niya pero wala na nakatira doon. Napapaisip siya kung meron ba siyang nagawa na di maganda kay Jordan. Naiiling nalang siya dahil kung kailan na tinanggap na niya sa sarili niya na mahal niya si Jordan tsaka naman di nagpapakita si Jordan sa kanya. Kahit madalas siyang abala sa trabaho bilang kapalit muna ng kanyang Daddy ay di pa din niya maiwasan na isipin si Jordan. Minsan na iisip niyang baka may nangyari masama sakanya. Minsan naman baka may kasama na siyang iba. Napabuntong hininga nalang siya. Di niya n

