"Dad what happen bat puro putik ka?" ang gulat na tanong ni Alonzo ng makita niya ang kanyang Dad. "Tito Albie are you ok?" ang alalang sabi naman ni Hans ng makita niyang paika ikang lumakad si Albie. "Im ok nadulas lang ako. Anyway bat nandito ka Hans?" ang takang tanong ni Albie napapansin niyang napapadalas na ang pagpunta ni Hans dito sa bahay nila. "Pinaguusapan lang namin yung project sa school. Nandito din si Geo baka mag overnight na din sila" ang sabi ni Alonzo at lumabas naman si Geo na may dalang ice cream. "Good Evening Tito Albie. Anong nangyari sayo Tito?" ang takang tanong naman ni Geo "Nadulas lang ako. Sige na akyat na ako sa taas" ang sabi ni Albie Paika ikang umakyat si Albie pamasakit ang kanyang paa baka nga napilayan pa ito. Pero di niya masyado pinahalata

