Alfonzo Bumalik ang dating Albie na matigas ang ulo at isip bata. Daig pa niya si Alonzo. Lagi pa siyang lumalabas para nag bar. Minsan ay kasama niya si Jordan pero mas madalas ay di niya ito kasama tinatanong ko si Jordan kung kilala ba niya ang mga sinasamahan ni Albie pero siya din ay di niya kilala o alam. Naaawa ako kay Alonzo di na niya masyado pinapansin ang anak niya. "Alonzo are you ok?" ang tanong ko sakanya habang kumakain kami ng breakfast. "Yeah im ok lolo" ang pilit ngiti niyang sabi sa akin. "Albie saan ka nanaman pumunta kagabi? Mukhang napapadalas yang paglabas mo tuwing gabi ah?!" ang sita ko sakanya. "Please Daddy masakit ulo kaya maya mo nalang ako sermunan. Pasalamat nga kayo lagi ako nagaalmusal kasama kayo." ang sabi nito na halatang may hang over na

