Albie POV
Sinong hindi mabibigla na may partial amnesia ka. Totoong pala nangyayari ito sa totoong buhay.
Nakakabigla lang ang mga nalalaman ko. Para bang matagal akong natulog pagkagising ko heto na! Tapos na ako ng college at may graduation gift pa may anak ako. Alonzo ang pangalan niya.
Lalong sumasakit ulo ko sa kakaisip sa nangyari.
"D-dad" ang biglang tawag sa akin ni Alonzo
"Hmm..."
"Dad dinner is ready" ang sabi nito habang nakatingin ako sakanya para bang nakikita ko ang aking sarili.
"A-alonzo can we talk" ang sabi ko sakanya tumango naman siya at pumasok sa kuwarto ko.
"I just want to say that Im sorry naninibago lang ako sa lahat ng ito. Itong sitwasyon natin." ang sabi ko sakanya. Naguguluhan ako sa lahat ng ito.
"Yeah i know Dad." ang simpleng sabi nito sa akin. Sa mga mata niya ay may kalungkutan akong nakikita para bang ako siya namamalimos ng pansin kay Daddy.
"Don't worry Alonzo. Kahit bago ito lahat di kita pababayaan bilang a-anak ko" ang ngiting sabi ko sakanya.
"Thank you Dad" ang sabi niya sa akin.
Nagtxt ako kay Jordan na lumabas kami ngayong gabi i just want fresh air! Nakakasakal dito sa bahay. Ilang araw na ako di pinapayagan ni Daddy na lumabas.
"Good evening Tito Albie" ang bati sa akin ni Sam kaibigan ni Alonzo.
Tumango lang ako sakanya. Nakatanggap naman ako ng reply kay Jordan na kung nagkapagpaalam ba ako kay Daddy.
Sinabi ko sakanya no need dahil matanda na ako para magpaalam.
"Sige sunduin nalang kita dyan" ang reply niya.
Alam na niya ang bahay namin?
Natapos ang dinner na agad ako umakyat sa kuwarto ko.
Naligo at nagbihis ako. Nadatnan ko sa sala si Daddy
"Albie where are you going? Its almost mid night" ang tanong niya sa akin.
"Hmm... Lalabas" ang sabi ko sakanya.
"Lalabas? Albie remember your not a college student anymore." ang sermon sabi niya sa akin.
"Oh c'mon Daddy as you said im not college student anymore."
"Yeah i said that meaning may responsibilidad kana. May anak kana Albie"
Napabuntong hininga nalang ako.
"Really Daddy di na bata si Alonzo high school student na siya. Kaya na niya ang sarili niya. No need for him para e babysitter ko siya" ang inis kong sabi sakanya.
"Albie!" ang sigaw ni Daddy na nakatingin sa likod ko.
Nandoon pala si Alonzo agad naman ito umakyat sa taas.
I hate this life!!!!
Pinuntahan ko si Alonzo sa kuwarto niya.
"Alonzo open the door!" ang sabi ko sakanya.
Bumukas naman ang pinto at si Sam ang lumabas.
"Tito much better bukas niyo nalang kausapin si Albie." ang sabi ni Sam
"Ok. Ikaw na bahala sa kanya paki sabi sakanya Im sorry"
Ganito ba ang feeling ng isang Ama.
Naiinis ako sa sarili ko sa mga nasabi ko. Nasaktan ko ang damdamin ni Alonzo ang sarili kong anak.
"Mukhang badtrip ka ah?!" ang tanong ni Jordan.
Pinayagan din ako ni Daddy na lumabas ng malaman niya na si Jordan ang kasama ko.
Nagkakilala na pala sila ni Daddy.
"Sumasakit lang ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. Nakakabigla lang" ang sabi ko sakanya.
Nag Punta kami sa isang acoustic bar. Ayoko na muna pumunta sa mga Bar na siksikan ang mga tao at masyadong maingay ang tugtog.
"Magiging maayos din ang lahat basta tandaan mo lang na nandito lang ako" ang sabi ni Jordan sabay inom ng alak sa baso niya.
Di ko mapigilan na matawa sa sinabi niya sa akin.
"Lakas maka lyric lang kanta dude! But thank you. Kanina nagtalo kami ni Daddy narinig yun ni Alonzo ayun tapos!" ang inis kong sabi
"Dude magingat ka nalang sa susunod. Tandaan mo may anak kana. Noong nalaman ko na may anak ka nabigla ako!" ang ngiting sabi niya sa akin.
"Huh?! Kailan ko nasabi sayo o Nalaman na may anak ako?" ang takang tanong ko sakanya.
"Ah?! N-noong nagkita tayo sa mall. Change topic nalang tayo sabi ng Doctor wag biglain ang lahat baka makasama sayo. Di ba sumasakit ulo mo?" ang pagalalang tanong nito.
"Minsan kapag pinipilit akong makaalala."
"Tigas talaga ng ulo mo dude! Sinabi nga sayo ng doctor wag mong pinilitin let it be" ang seryosong sabi nito
"Oh kanta nanaman yan! Anyway kamusta kana?! Anong balita sayo. Magkwento ka naman" ang tanong ko sakanya.
"Nagtratrabaho ako bilang Manager sa isang fast food chain. Di na ako nakatira sa apartment baka pumunta ka doon wala na ako doon. Pinapatuloy ako ng amo ko sa bahay nila wala kasi tao sa bahay nila nasa ibang bansa na sila nakatira"
"Ayos! Umaasenso ka na! Teka asaan na pala si Brad?"
"Nasa Dubai na siya nagyon pinagpatuloy ang pagaaral at sabay kami naggraduate nila Gabby at Kyto" ang ngiting sabi niya sa akin.
Nanghihinayang ako na di ko man maalala ang lahat ng yun.
Di namin namalayan na napaparami na pala kami ng inum. Sobrang ganda ng mga kantang kinakanta nila dito sa Bar nakakarelax.
"Dude uwi na tayo baka di ako makapagdrive sa sobrang kalasingan." ang sabi ni Jordan.
Di ko pa natanong sa kanya bat may suot suot siyang salamin. Tsaka parang di lang porma kundi may grado yung salamin niya.
"Teka dude bat nagsasalamin ka ngayon kailan pa lumabo mata mo?" ang takang tanong ko sakanya.
Nakita kong nabigla siya sa tanong ko. Para bang di niya inaasahan na itatanong ko yun sakanya.
"H-heto bang s-salamin ko?" ang turo niya sa salamin niya sa mata. Tumango lang ako sakanya.
"Ahh sa pagdaan ng taon lumalabo ang mata ko nagpatingin na ako sa doctor sabi niya nasa lahi daw namin itong lumalabong mata" ang sabi nito sa akin.
Umalis na kami sa bar at sumakay sa kotse niya. Di na ako nagtataka na mayroon na siya kotse. Sa sipag at talino ba naman ng kaibigan kong ito. Malayo na nga ang narating niya.
"Hoy! Ayos ka lang ba?! Kung makatingin ka sa akin parang nababakla kana sa akin hahaha!" ang biglang sabi ni Jordan. Di ko namalayan na matagal pala ako nakatitig sa kanya.
Napangiti ako ng lihim sa sinabi niya. Sasakyan ko ang trip niya.
"Eh kung sabihin ko sayo dude na matagal na kitang gusto. Matagal na akong nababakla sayo!" ang seryosong kong sabi sakanya. Sa loob loob ko ay pinipigilan kong tumawa pero parang bang bukal yung sinabi ko sakanya.
Para bang matagal ko na dapat yun sabihin sakanya.
Napatingin naman siya sa akin at namumula ang kanyang pisngi. Hindi ito dahil sa alak dahil kahit uminom ng marami alak si Jordan ay di siya namumula di tulad ko na kitang kita ko kanina na namumula ang buo kong katawan lalo na ang mukha ko.
"G-gag@ ka talaga dude! Tara nga baka saan pa tong mapunta ang usapan na to. Lasing pa naman tayo" ang natatawang sabi ni Jordan sa akin.
Nasa mood ako ngayon magtrip. Pinaandar na niya ang kotse niya.
Dahan dahan kong hinawakan ang kanyang binti. Nabigla siya sa ginawa ko.
"Dude! Albie baka mabangga tayo sa ginagawa mo! Lakas ng trip mo ngayon!" ang natatawa pa din sabi ni Jordan.
"Sa tagal ba natin magkaibigan dude wala bang nangyaring trip sa ating dalawa?" ang takang tanong ko sakanya.
Nagulat din ako sa aking sinabi. Bigla nalang itong lumabas sa aking bibig.