"Haizt! Bilis...Balis bumukas ka na utang na loob!" usal ni Winter na kung madudurog lang ang push button ng elevator kanina pa yun nasira kaduduldol n'ya habang panay din ang lingon sa hallway sa takot na baka sundan s'ya ni Doel at mamura ng 'di oras dahil sa ginawa n'yang panunugod. Nalimutan n'ya na CEO nga pala ng isa sa mga maraming kumpanya ng mga Lagdameo ang binata, pero tinalakan n'ya ito ng bongga. Hindi naman kasi n'ya alam na nasa gitna pala ito ng meeting masyado s'yang nadala ng buwisit n'ya. Sa dami ba naman kasi ng lugar sa tabing kalsada pa ito may pa PDA at sa dami-dami ng taong makakakita si Tracey pa na pinag tatawanan nanaman s'ya ngayon buwisit lang talaga. Nang sa wakas bumukas na iyon nag mamadali s'yang sumakay na sakto naman nakita na n'ya si Doel na paparating n

