"Sigurado ka bang walang sabit ito?" tanong ni Doel habang nakatingin sa marriage contract nila ni Winter na mukha naman legit maliban sa wala iyon dry seal na mag papatunay na orignal ang dokumento. "Wala Sir, malinis akong mag trabaho marami ng nag pagawa sa akin mga ganyang klaseng dokumento at so far wala pa naman akong sablay." kumpiyasang sagot ni Carl na malawak ang ngiti. "Good." tumayo si Doel at ibinalik na sa envelop ang pekeng marriage contract nila ni Winter at itinago iyon sa vault para itago. Pag balik n'ya sa harapan ni Carl muli n'ya itong binigyan ng ilang lilibuhin para sa pangako n'yang bonus kapag nagawa nito ng maayos ang trabaho. "Maraming salamat sir, tawagan n'yo na lang po ako in case na may gusto pa kayo ipagawang dokumento." wika pa nito saka nag paalam na t

