Hades’ POV Bigla namang napatingin si Aunt Celeste sa akin na para bang nagtataka dahil sa aking sinabi. “What’s with that look?” tanong ko sa kaniya. Minsan hindi ko din malaman kung ano yung naiisip nitong babaeng ito. Parehas na parehas sila ni Asher ang daming mga hindi magagandang bagay na dumadaloy sa dugo nila kaya kung ano-ano na yung mga naiisip nila. “Wala meron lang akong narinig na first time na nagmula sa bibig mo,” saad ni Aunt Celeste sa akin, “well, kagaya nga ng sabi mo na gagawan ko siya ng dalawang gowns, okay I will do that pero kalian ba ang prelims?” tanong niya sa akin. “This week na,” saad ko sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mata dahil sa sinabi ko. “Are you serious Hades?” tanong niya sa akin, “ang paggawa ng gown ay hindi minamadali, it

