Hades’ POV “Ayos men, malapit ka ng makatapos sa premed mo,” sambit sa akin ni Tan. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya sa akin. It’s been five years since I woke up in coma. Madaming nangyari at madami ding nagbago. Nakulong si Elizabeth dahil sa naungkat na kaso niya sa pagpatay kay Juaquin, ganon na din ang pakikiapid. Habang buhay na pagkakakulong ang pinataw sa kaniya at tanging parol na lang ang aasahan niya para makalabas. Sa limang taon na lumipas, ganon lang ang naging buhay ko. Aral, sama kila Tan kapag may gala, at bonding kila Dad. Nakakatawa na sa limang taon, hindi ko pa din nadadalaw ang puntod ni Selena. Pinipilit nila ako na dalawin ko daw dahil baka magtampo sa akin, pero ako nga ang nagtatampo sa kaniya kasi ni minsan hindi man lang niya ako madalaw sa panaginip

