Hades’ POV
Habang nakaupo ako at nakapikit sa aking upuan at nakasaksak ang earphones sa aking tenga. Bigla ko nalang narinig ang isang musika na hindi ko gusto noong una pa lang ay kinaiinisan ko na. Sa tuwing napapakinggan ko ang music na ito ay isang madilim na ala-ala ang aking nasisilayan.
“Puny*ta lagi na lang ganito ang nangyayari sa walang kwentang pamilyang ito!” sigaw ng aking Ina. Hindi ko maitatanggi na labis ang aking takot sa tuwing naririnig ko ang galit na tinig ni Ina sa oras na nagagalit siya ay pakiramdam ko ay sasaktan niya ako wala sa oras.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang lagi ang kanilang ginagawa ni Itay sa araw-araw. Hindi ko sila makita na nagkaayos. Simula umaga hanggang gabi ay bunganga lang nang bunganga si Ina kay Itay.
“Ano ganito na lang ba lagi tayo?” tanong ni Ina kay Itay, “hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa’yo diba ang sabi ko wag ka na umalis sa trabaho mong ‘yon bakit ka naman umalis?” tanong ni Ina kay Itay.
“Hindi mo ba alam ang nangyayari saakin?” galit na sabi ni Itay, “pinapahirapan kami doon. Gustuhin ko man na hindi mag-resign dahil kailangan na kailangan natin ng pera pero hindi ko magawa dahil napapagod ako!” sigaw ni Itay kay Inay.
“Sana kung alam ko lang na ganito ka sana hindi nalang ikaw ang pinakasalan ko walang silbe!” sigaw ni Inay kay Itay. Napapikit ako sabay napatakip ng aking tenga dahil sa mga narinig kong mga basag ng plato at kung ano-anong ingay sa labas ng kuwarto ngunit ininda ko ang mga iyon hanggang sa ito ay humipa.
Napadilat ako at napatayo sa aming kama. Pumunta ako sa pintuan at dahan-dahan na binuksan ang pintuan.
Nanlaki ang aking mga mata nang tumambad sa akin ang paulit-ulit na pagsaksak ni inay kay itay ng kutsilyo sa kaniyang dibdib. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni inay habang walang awa niyang pinapatay si itay. Sa mga oras na iyon hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa aking takot nang masilayan ko ang mga bagay na iyon.
Nilibot ko ang aking paningin at tumambad saakin ang magulong bahay at ang sahig na punong-puno ng dugo habang nakaratay doon ang malamig na bangkay ni itay. Dahan-dahang tumawa si inay habang patuloy pa rin niyang sinasaksak si itay, “Malaya na ako,” saad niya, “Malaya na ako sa wala mong kwentang pagmamahal.” Napapikit nalang ako sa takot dahil ang nakikita ko ay isang baliw na babae na walang pakialam kung sino ang makakakita sa kaniya.
Hindi siya ang inay ko. Hindi ko siya kilala. Isa siyang demonyo. Nangingig ako sa takot kung kaya’t mabilis akong tumakbo para makalayo sa demonyong ‘yon.
Kahit malakas ang ulan ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo dahil tanging siyam na taon pa lamang ako pero bahala na. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang imahe ni inay na pinapatay si inay. Ayoko sa kanya. Ayoko sa babaeng ‘yun. Bakit sa lahat ng tao siya pa ang nagging ina ko? Lagi siyang wala dahil nasa bayan siya’t nagtatrabaho. Si itay lagi ang nadyan para alagaan ako. Minsan ay tinatanong ako ni itay kung ayos lang ba na iwan naming si inay, sana pala pumayag ako. Edi sana buhay pa rin si itay.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na mag-isa na lang ako. Sana si inay na lang ang nawala. Bakit si itay pa? Paano na ko? Bata lang ako. Bakit kailangan ko makakita ng isang karumdaldumal na pangyayari?
Wala na kong makita dahil sobrang labo na ng paligid dahil sa walang tigil na pag-agos ng luha ko at dahil na rin sa malakas na ulan. Ang sakit na ng ulo ko. Unti-unti nang dumidilim ang paligid at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
My head really aches whenever I reminisce that night. That f*****g night.
May kumalabit sa akin kaya’t napatingin ako sa kaniya. This w***e. Alam na alam nang lahat na ayokong hinahawakan ako.
I removed my air pods while glaring at her. “Who told you to touch me?”
“A-ahh…E-ehh,” She stutters.
“What the f**k do you want?” I asked her, “do you want me to end your worthless life?” I said in a cold and serious tone.
“Watch your words, Mr. Lopez,” my bald teacher interrupted us. “I asked Ms. De Leon to call you because you are busy day dreaming while looking at the window. You can’t also hear me since you’re wearing those wireless earphones. Have some respect.”
“You are already aware that I’m busy so why bother interrupting me?” I asked him, “sometimes, I really wonder if everyone does have brains because I think yours is…missing.”
“This is my class so I can do whatever I want. And, not because you are Mrs. Lopez’s son you can disrespect me.” f*****g irritating. Everyone irritates me. Parang nabuhay lang ako para mairita. Kung ‘di dahil kay mommy, pinagsusuntok ko na lahat nang kakausap sa akin.
“Pwede po bang happy happy lang tayo? Hehe. Welcome niyo naman ako! Grabe kayo, parang mga others! Hmp!” a girl with an irritating voice suddenly exclaimed. Sino na naman ‘tong dagang ‘to?
“We will talk later, Mr. Lopez,” he said. As if I care. “By the way, this is Selena Carmel. Your new classmate.”
“Hi, I am Selena! Selena but not Gomez!” Nagsitawanan ang mga kaklase ko. What the actual f**k. Bakit may jologs na nakapasok sa Northville University?
“You may sit---“she interrupted that bald man.
“Wait, sir! Tanong mo muna ako kung pagkain ako anong klaseng pagkain ako!” Naririndi na ang tainga ko sa boses niya. Parang daga kung magsalita. This is why I hate girls. Girls are the real demons. They act angels to hide their evilness inside.
I will never fall in love with those annoying bitches because I don’t want to end up like him, my father.
“Okay, what kind of food are you?”
“Candy, sir! Kasi gusto kong pasayahin lahat kahit sa simpleng paraan lang,” she pauses. “Kaya kung gusto niyo sumaya, tikman niyo ko. Joke hehe peace tayo, Sir!” Everyone is laughing. Why am I even listening to her? I wear my air pods again since I don’t want to hear that annoying voice ever again.
She slowly walks toward me and---put a candy in my desk. Tinignan ko siya nang masama habang umuupo siya sa tabi ko. Kung minamalas ka nga naman.
Tinignan ko ang candy na binigay niya sa akin. It’s a Fres candy.
“Did the sun come out or did you just smile at me?” it was written in the candy. Tumaas ang mga balahibo ko. Anong katarantaduhan ‘to.
“Smile naman d’yan!” she said while smiling. Hindi ba mapupunit labi nito? Ngiting-ngiti kala mo ang linis ng ngipin. What the f**k? Why am I even checking her teeth?
Hinulog ko ‘yung candy sa sahig at tinapakan.
I glared at her, “do you want me to slit your neck?”
"Bakit mo naman hihiwain ang leeg ko kung pwede mo namang kagatin na lang?" she said. Tumaas ang kilay ko. "Char! Good girl ako 'no!"
I guess my whole school year will be a mess. Napailing-iling nalang ako at napatingin nalang sa bintana dahil sa nakakairitang boses niya. I just want to be f*cking alone, peaceful, yung walang manggag*go sa’yo.
Pero nung dumating siya pakiramdam ko hindi ko na makukuha yung peaceful life na gusto ko.
“Hello, nakikinig ka ba?” tanong niya sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya at binigyan siya ng masamang tingin.
“Grabe naman ang sama naman ng tingin natin jan,” saad niya, “easy ka lang ako lang to oh.”
“Ano bang trip mo sa buhay mo?” inis na tanong ko sa kaniya, “adik ka ba?” Natawa naman siya dahil sa tanong ko sa kaniya.
“Grabe ka naman sa adik,” tugon niya, “pero pwede din akong adik, adik sa’yo yiee owshiee mic drop,” nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi niya saakin. Hindi ko alam kung paano ko puputulin ang pag-uusap naming dalawa.
“De joke lang naman ito naman,” saad niya, “gusto ko lang naman makipagkilala sa’yo kasi ako ikaw lang naman ang katabi ko na hindi ko kilala so pwede ba kitang makilala?” tanong niya saakin. Napailing-iling nalang ako sa kaniya at sabay umiwas sa kaniya.
“Hades makinig ka dito,” tawag ng teacher saakin. Napatingin naman ako sa aking guro sabay napapikit dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa baliw na babae na nakangiti habang tumango-tango.
“So, Hades pala ang pangalan mo,” saad niya saakin. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saakin at tinignan ako mata sa mata. “Hi Hades, ako pala si Selena,” saad niya sabay ngumiti. Napahinga lang ako sa kaniya dahil sa kaligaligan niya. Hindi ko alam kung paano ko siya matatagalan sa isang araw.
“Pwede ba tumigil ka na Selena!” sigaw ko sa kaniya.
To be continued…