Hades’ POV Nanatili lang akong kumakain habang itong dalawang ito ay nagbubulungan lang sa harapan ko. “Hindi ninyo ba ako kakausapin o kumustahin man lang kung ayos ako? The f*ck ginawa ninyo akong third wheel ninyo,” seryoso kong sabi sa kanila. Natatawa naman sila sa akin dahil sa mga sinasabi ko sa kanila. “Alam mo, puntahan mo kasi si Selena doon at dito mo paupuin para naman may kasama ka ‘di yan hindi yung makikisawsaw ka sa relasyon ng iba,” sambit sa akin ni Tan. “The f*ck men, kailan ako sumawsaw sa landian ninyo ng girlfriend mo,” sambit ko sa kaniya. Tinawanan lang nila akong dalawa kaya wala akong choice kung hindi kumain na lang. “Uhm, excuse me,” sabi ng isang babae sa gilid namin. Nahinto naman silang dalawa at napatingin sa gilid namin. “Yes, ano ang atin?” tanon

