Hades’ POV Nakita kong napatingil si Selena sa kaniyang ginawa dahil sa aking ginawa sa kaniya. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagtataka at ika mo’y hindi maiguhit na pinta ang kaniyang expression. “Selena, baka naman matunaw si boss Hades dahil sa titig mo,” saad ni Tan sa kaniya. “Oo nga Selena pulang-pula ka na,” saad naman ng girlfriend ni Tan. Napatingin ako kay Selena at nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisnge na hindi ko malaman kung bakit. “Ayos ka lang ba Selena?” tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang napatayo sa kaniyang inuupuan sabay naglakad papunta sa pintuan. “Lalabas muna ako sandali,” seryoso niyang sabi. Napatingin lang kami sa kaniya dahil sa kaniyang mga ikinikilos. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isipan ni Selena pakiramdam ko mas l

