Hades’ POV Matapos naming kumain ni Selena sa aming pagkain agad kaming bumalik sa aking sasakyan upang makabalik na sa aming school. Habang nasa loob ng sasakyan napatingin ako sa kaniya na kanina pa nagkakalikot sa kaniyang cellphone. “What’s the problem?” tanong ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahkil sa aking tanong sa kaniya. “Kanina pa kasi nagte-text si Drazen na kailangan ko na daw bumalik sa school for practice,” sambit niya sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim sabay ini-start ang aking sasakyan. “Hayaan mo siya,” bulong na sabi ko sa kaniya. Nakakainis talaga minsan ang lalaking iyon dahil minsan hindi ko malaman kung bakit kailangan lagi pa siyang nagte-text kay Selena. “What did you say?’ tanong ni Selena sa akin. Napatingin ako sa kaniya sabay umili

