Habang naglalakad sila ni Selena patungo sa loob ng school bigla silang napahintong dalawa ng tawagin sila ni Tan. Napatingin silang dalawa sa kaniya na nagtataka dahil hindi nito kasama ang girlfriend nito. “Ang aga ninyo naman at himala magkasama pa kayo,” sambit ni Tan sa kanilang dalawa. Nagkatinginan namans sila Hades at Selena bago tumingin muli kay Tan. “Where is your girlfriend?” tanong ni Hades sa kaniya. “May pinuntahan lang na importanteng lakad, kayo boss himala yata parang sinunod mo ata ang sinabi ko sa iyo kahapon ah,” sambit ni Tan sa kaniya. Maya-maya ay biglang nagsalita si Drazen na katabi ni Tan. “Selena, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Drazen sa kaniya. Napatingin si Selena kay Drazen dahil sa sinabi nito. “Oo pwede naman.” Nakangiting sabi ni Selena s

