Hades’s POV Kakatapos lang naming mag sukat ng gowns na gagawin niya for Thursday and as usual nagamit na naman ako ni Tita Celeste for her wild photoshoots. Like men how did she do that to me? Basta kapag si Tita Celeste na ang nanghingi ng pabor hirap na hirap akong tanggihan. “Ayos ka lang Hades?” tanong sa akin ni Selena. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napatango-tango bilang sagot sa kaniyang sinabi. “Ang saya kasama ng Tita mo super, I want to hang out with her,” sambit niya sa akin. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. “Paano ka ugali mo kaya gusto mong kasama,” sambit ko sa kaniya. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan ang orasan. “’Yun nga ang point eh, ang saya kaya sumama sa mga ganon ang mindset parang ang gaan-gaan, pasalamat ka kasama mo

