Hades’ POV Napakunot lang ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi sa akin. Did she just fake her anger to me para lang sa bagay na iyon. “Ano’ng ibig mong sabihin Selena?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Ngunit hindi niya ako kinausap sa halip ay nakatingin lang siya sa labas ng aking sasakyan. Napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang ginawa. “Fine, sasama na ako,” sambit ko sa kaniya. Bigla siyang napatingin sa akin dahil sa aking sinabi. “Seryoso ka ba di yan Hades?” masaya niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. “Ano ba namang tingin iyan, Hades?” tanong niya sa akin. “You done this mess para lang mapa oo ako?” seryoso kong tanong sa kaniya. Nginitian naman niya ako saaby sumandal ng maayos sa kaniyang inuupuan. “Akala ko nga

