"Ang mas gusto ko ay ang umalis kana lang," sagot niya.
Naglakad ito palapit sa kanya.
"Alam ko na ang lahat," anito.
"Lahat?"
"Ang dahilan ng pag-iwan mo sa akin noon. Ipinagtapat sa akin ni Mama. Ginawa raw niya iyon dahil sa palagay niya ay walang saysay na makamit ko ang mga pangarap ko kung magiging miserable naman ako habang-buhay."
"Ha?''
"Let's go down, shall we? Baka mahulog pa tayo rito.'' Inilahad nito ang kamay nito sa kanya.
Sandali lamang siyang nag-atubili bago niya inabot yon. Hindi nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa makababa sila.
"When you left me, it felt as if all the light in my world had gone out. Para gang nawala ako sa sarili ko at may punto na akala ko ay hindi ko na maitutuloy ang pag-abot sa mga pangarap ko. Naging napaka-hirap para sa akin ang ibalik ang focus ko sa mga ginagawa ko dahil ang sama-sama ng loob ko. I loved you with all my heart, that's why."
"Polo."
"No, let me finish first, please-" pigil nito sa sasabihin niya.
"I tried to move on. Wala namang ibang puwedeng gawin kundi iyon. And I kept telling myself that you don't mean a thing to me anymore. You left me and
that's your loss. Dumating naman ang punto na pakiramdam ko nga ay naka-move on na ako. Then you showed up and it was as if a bomb exploded right in front of my face. All the pain and anger came flooding back and I didn't know how to deal with them."
"May dahilan naman talaga para magalit ka. Kahit pa sabihin na ang mama mo ang rason kung bakit iniwan kita, hindi natin mabubura ang katotohanang tinanggap ko ang alok niya. Pinili ko ang pera kaysa sa iyo."
"Is that the only reason why you chose to leave me?" tanong nito.
Hindi siya sumagot.
Ano ba ang dapat niyang isagot?
"Or is it more because of what my mother told you? Iyong may kinalaman sa kung paano ka posibleng makasira sa akin?"
Hindi pa rin siya makasagot.
But tears started flowing down her face. Bigla kasing nanariwa sa isip niya ang hapding idinulot sa kanya ng naging desisyon niya noon.
"Ang dami nang nangyari sa atin. Ang daming naging hadlang. And here we are, poised to get back together again if only we could let the past go: I am.”
“So sorry for the way I acted. My only excuse is that I was so hurt and so affected by what you did to me that I wanted to have some kind of revenge."
"Pero nang nagawa ko yon ay hindi rin ako nasiyahan. Ipinasya kong habulin ka dahil napagtanto kong hindi kita kayang tikisin. Imagine my horror when I saw what happened. Halos hindi ko mapatawad ang sarili ko."
"I love you, Jenna. Mahal na mahal pa rin kita. Mahirap sigurong paniwalaan iyon pagkatapos ng mga nagawa ko pero isinusumpa kong mahal kita. Mahal na mahal kita. I came here to prove that to you."
"Kasama ko si Mama para makausap na namin ang mga magulang mo. Long overdue na ang pamamanhikan namin sa inyo."
"P-pamamanhikan?"
"Yes. If you'll have me, we'll have to talk about our wedding. And we'll make it ASAP dahil ayoko nang may mangyari pa para hindi ion matuloy."
''Pamamanhikan? A-anong pamamanhikan?" ulit niya.
Nahirapan siyang paniwalaan iyon.
"I don't have a bunch of roses with me but I'll ask you nevertheless. Will you marry me?" tanong nito.
"P-pero-"
"Just 'yes' or 'no.”
"Oh, say 'yes', please."
Nilingon niya ang nagsalita. Nakatayo si Mrs. Sandoval di-kalayuan sa kanila ni Polo.
"I'm sorry for what I did. Isa sa mga araw na ito ay ipapaliwanag ko sa iyo kung bakit ko nagawa iyon. Pero sa ngayon ay ito ang importanteng malaman mo. Mahal na mahal ka ng anak ko. I've never seen him love any other woman the way he
loved you, the way he still loves you. Kaya huwag mo na akong ituring na hadlang. Huwag mo nang ituring na hadlang ang kahit ano pa man. Ang isipin mo na lang ay ang nararamdaman mo para sa kanya. Iyon ang gawin mong batayaan sa pagsagot mo."
Bumaling siya kay Polo.
"P-pero paano ang mga girlfriends mo at ang anak mo?"
"Anak?" bulalas ni Mrs. Sandoval.
"Relax. 'Ma, she's talking about Pollito," ani Polo.
"But he is not your son." anang ginang.
Napabaling siya kay Polo. "Hindi mo anak si Pollito?''
"No. Uh, it's like this."
Ipinaliwanag nito sa kanya ang lahat.
Si Blaise ay asawa pala ng best friend nito.
"Iyon namang sinasabi mong mga girlfriends ko, they were just flings and they knew the score. Wala na silang lahat. Dinispatsa ko na sila. That's because I only want one woman. I only love one woman. Ikaw ion. So is it a 'yes' or a 'no'?"
"Y-yes," Put that way, mag-iisip pa ba siya nang matagal?
"O-oo na," garalgal ang tinig na sagot niya.
"Yes!" ulit niya.
"Really? Oh, Jenna, you made me so happy."
Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit.
"Mga balae, mukhang kakain na tayo, sabi ni Mrs. Sandoval.
"Is this for real?"' tanong ni Polo nang ilayo siya nito rito nang bahagya para mapagmasdan siya.
"You bet. You're stuck with me for life, "saad niya.
"I wouldn't want it any other way," anito.
"Paano ang mga ambisyon mo?"
"I like what I'm doing and for now, it's enough. But whatever happens, I would want to have you by my side every step of the way. As my wife."
Niyakap uli siya nito at hinalikan sa mga labi. Now she knew with a certainty that she would love this man for the rest of her life.
Pagkalipas ng ilang buwan ay idinaos ang kasal nina Jenna at Polo. Simple pero elegante ung naganap na seremonya. Dumalo si Blaise at ang asawa nito.
Naging magkaibigan sina Jenna at Blaise.
Sa paglipat nina Jenna at Polo sa bahay ng mga ito sa Tagaytay ay isang tao ang regular na bisita ng mga ito at ang mama ni Polo.
The older woman had mellowed down a lot.
Nakompleto ang buhay nina Jenna at Polo nang isilang ng una ang panganay na anak ng mga ito.
Hindi na uli nasangkot pa sa gulo ang ama ni Jenna.