"Where have all the passion gone, son?" tanong nito kapagkuwan.
"Passion?" napakunot-noong usal niya.
"Sa akin ka nanggaling. I was with you from the moment you took your first breath so I know you very well. That's why I can tell that all the fire and passion inside you has gone AWOL."
"You're imagining things, 'Ma. Hindi n' yo ba narinig ang sinabi ko kanina? I won a case. A big one."
"How does it feel?"' tanong nito.
"Great."
"You don't look happy. You haven't looked happy for quite a while now. Para gang palagi kang nagluluksa."
Because that is exactly how I feel.
Para akong may ipinagluluksa.
'"Ano ba ang gusto ninyong gawin ko, 'Ma Magtatatalon? Magsisisigaw? Ganoon ba dapat para maipakita ko na masaya ako?"
"Look, son, your father loved you very much. Ang mga pangarap niya para sa iyo-"
"Ay pilit kong tinupad. I lived and breathed his dreams for me, 'Ma, until they became my own."
"I know. Ako man ay ganoon ang ginawa. I did everything I could to make sure his dreams for you are fulfilled. It was the least I could do in his memory. With that in mind, maybe.. maybe you would be able to find it in your heart to forgive me."
"It's nothing, 'Ma. Pareho lang tayong nabuhay sa mga pangarap ni Papa."
"It's not nothing. Makinig ka," utos nito.
"There's no need."
"Sit and listen. Now! Before I lose my courage."
Nagugulumihanang sumunod siya sa utos nito.
Nang nakaupo na siya ay saka nito sinimulan ang paglalahad.
Galing sa shop si Jenna.
Wala ang pinsan niya nang araw na ion kaya siya ang umako sa lahat ng gawain. Pagod na pagod siya at ang gusto na lamang niyang gawin ay humilata sa kama pagkatapos maligo.
"O, anak, nandiyan ka na pala. Kain na," anang inay niya.
"Espesyal ang hapunan natin."
"Espesyal? Bakit ho?" Mabilis siyang nag-isip.
Wala namang may kaarawan sa kanila. Hindi rin anibersaryo nito at ng itay niya.
"Batang 'to, ano ka ba? Hindi man lang ba natin ise-celebrate ang pagkakaabsuwelto ng itay mo?" anang inay niya.
Ine-refer ni Polo sa kasamahan nito sa law firm ang kaso ng itay niya. Pero sa puntong iyon ay nagawa na nito ang bulto ng trabaho. Umatras sa pagiging witness ang kaibigan ng supervisor ng itay niya at dahil doon ay humina ang kaso.
Technically, it was another lawyer who won the case for them. Pero alam niyang si Polo ang mas maraming nagawa kaya pinadalhan niya ito ng cake na may kasamang maiksing liham ng pasasalamat.
Nagkunwari siya na sa mga magulang niya galing ang naturang cake.
"Isang buwan na ang dumaan mula no'n, ah. Saka nag-celebrate na tayo, 'di ba?"
Kumain sila noon sa Aristocrat.
"Parang kulang pa, eh. Hayaan mo na ako at natutuwa lang ako. Sige, magpahinga ka sandali at mayamaya ay kakain na tayo."
"Sige po.''
Tumuloy na siya sa kuwarto niya.
Humiga siya sa kama. Ang balak niya ay magpapahinga lang pero naidlip pala siya. Nalaman lamang niya yon nang mamulatan niya ang inay niya na tinatapik siya sa braso.
"Kakain na,'' sabi nito.
Napilitan siyang bumangon kahit mas gusto niyang matulog na lamang. Nagsuklay lang siya ng buhok, kapagkuwan ay lumabas na siya ng kuwarto at bumaba ng hagdan.
Parang tumalsik ang antok na bumabalot pa sa diwa niya nang may maulinigan siyang tinig.
Pamilyar iyon sa kanya pero hindi niya inaasahang maririnig niya iyon sa bahay nila. Naudlot ang paghakbang niya sa baitang nang matanaw nya ang nagsasalita.
It was Polo.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" naibulalas niya.
"Jenna!" nananaway na wika ng inay niya.
"Ipagpaumanhin mo ang biglaang pagdating namin."
Kay Polo siya nakatingin kaya nang magsalita ang mama nito ay saka lamang niya napansin na naroon din ito.
"K-kayo?" gulat na sambit niya.
"Ako nga," anito na tila hindi mawari kung ngingiti o hindi.
"May pag-uusapan daw kayo ni Polo,'' anang itay niya.
"Wala na kaming dapat pang pag-usapan,"aniya.
Nagpalitan ng tingin ang mga magulang niya at ang mama ni Polo.
"Bakit ba?" tanong niya.
"Basta, mag-usap kayo," giit ng inay niya.
"Doon muna kami sa kusina. Tayo na," baling nito kay Mrs. Sandoval.
Nagtungo na nga ang mga ito sa kusina. Ang naiwan lang ay si Polo. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa gitna ng hagdan.
"Shall I come up there or are you coming down?" tanong nito.