Chapter 18

925 Words
"I mean it," git niya. "With all my heart, I am begging you to-" "Oo na, pinapatawad na kita," anito. "Really? Mabuti naman." "Sa isang kondisyon." "Sure. Ano 'yon?" tanong niya. "Iyon ay kung patatawarin mo na rin ako. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Hindi ko na maibabalik ang kahapon para maitama iyon kaya ang magagawa ko na lamang ay ang humingi ng tawad sa iyo." "But there's no need-" "Nakikiusap ako sa iyo, Polo," sabad nito bago niya maituloy ang balak niyang sabihin. "Masyado na akong nahirapan. Please, please forgive me and and let me go." "L-let you go?" "Oo. Gusto kong matahimik at mangyayari lamang iyon kung maghihi walay uli tayo ng landas. Kasalanan ko rin kung bakit nagkita pa uli tayo at dahil doon ay hinihingi ko uli ang tawad mo. Desperado lang talaga ako noon. Ngayon ay gusto ko nang itama ang pagkakamaling iyon. I want to get out of your life. Kung... kung hindi mo na gugustuhing ituloy ang pagtatanggol kay Itay dahil sa pakiusap ko ay tatanggapin ko ang desisyon mo." ''Hindi ko na talaga kayang makasama ka." Nagsimulang tumulo ang mga luha nito. He felt the pain lance through his heart. "I just want to say--" "I want to be free,"sabad nito. "Please, let me go. Iyon lang ang alam kong paraan para matahimik na tayo pareho. Masyado nang maraming hindi magagandang bagay na nangyari. Kaya siguro mas magandang magkanya-kanya na uli tayo ng landas." Pakiramdam niya ay paulit-ulit na sinibat ang puso niya dahil sa sinabi nito pero naisip niyang bagay lamang sa kanya ang sinapit niya. Panahon na siguro para ibaon niya ang mga nangyari, kalimutan ang paghihiganti, at magparaya. "If that's what you want, I'll give it to you,"aniya. Leaving Polo was not what Jenna really wanted. Kung ang kalooban niya ang susundin niya ay nanaisin niyang makasama pa ito. Pero napakalaking pahirap sa kanya ang makapiling ang lalaking alam niyang hindi na mapapasakanya kailanman. All she wanted was his love. Yaman din lang na hindi nito maibibigay ion sa kanya, mas mabuti pang maghiwalay na sila ng landas. He owned not just her body but also her heart and soul. Sa pag-isa ng kanilang mga katawan ay ipinagkaloob niya rito nang walang pag-aalinlangan ang kanyang puso. Pero hindi nito kailangan iyon. Nakita niya ivon sa ikinilos nito pagkatapos. Aminado siyang may kasalanan din siya. Umasa kasi siya. Kaya hindi na niya ito susumbatan. Ngayong sa palagay niya ay quits na sila ay malakas na ang loob niyang sabihin dito na pakawalan na siya nito. Hindi pa niy a alam kung may mahahanap siyang ibang abogado. They would probably end up settling for someone who was not even half as good as Polo. Pero wala siyang magagawa. Pakiramdam niya ay ikakamatay na niya kung magtatagal pa siya sa piling nito. Mula sa araw na yon ay sisikapin niyang itigil na ang kahibangang maaari pa nilang dugtungan ang kanilang nakaraan. "Magpahinga kana muna. Lalabas na muna ako. Hihintayin ko lang na dumating ang mga magulang mo, pagkatapos ay aalis na ako. Have a good life, Jenna.'' Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito. A fresh wave of tears trickled down her cheeks. Ibinalibag ni Polo ang briefcase niya. It had been another long day. Halos maghapon siyang nasa loob ng courtroom. Pero may magandang resulta naman iyon. Naipanalo niya ang kasong hawak niya. Ang big-time businessman a noon pa napapabalitang nasa likod ng pagpapaligpit sa mga journalists at kung sinu-sino pang sumusubaybay sa mga aktibidades nito ay nahatulan ng maximum sentence na habang-buhay na pagkakabilanggo. The fact that the defendant's attorney was one of his nemesis made the win all the more satisfying. Kaya nga nakapagtataka na wala siyang masyadong madamang saya. It was a weekend so instead of going to his condo, he opted to go to his house in Tagaytay. Iyon ang bahay na pinagdalhan niya kay Jenna. Madalas na doon siya nagpapalipas ng weekend. The place held bittersweet memories for him but he liked the ambiance so he kept coming back. He went to the bar standing in one corner of the living room. Nagsalin siya ng whiskey sa isang baso. Hindi siya nag-abalang lagyan iyon ng yelo. Basta na lamang niya nilagok iyon. Kapagkuwan ay nagsalin uli siya ng whiskey sa baso. The drink made him feel good Sinulyapan niya ang bote ng alak. Parang gusto hiyang ubusin ang laman niyon. Why the hell not? Wala siyang appointment kinabukasan. He could get roaring drunk if he Wanted to and he wanted to. Hinubad niya ang necktie niya at ibinato iyon sa kung saan. Isinunod niya ang sapatos niya. Kapagkuwan ay umpo siya sa bar stool. He had some serious drinking to do. Napapangalahati na niya ang bote ng alak nang may maulinigan siyang humintong sasakyan sa harap ng bahay. Kasunod niyon ay tumunog ang doorbell. Napamura siya. Wala siya sa mood humarap sa kahit sinong bisita. Pero naulit ang pagiunog ng doorbell. Masakit iyon sa tainga kaya nagpasya siyang tugunin na iyon. "Ma!" Napakunot-noo siya pagkakita sa bagong dating. "You seem surprised. Bawal ba akong magpunta rito?" tanong nito. "Hindi sa gano'n. I wasn't expecting to see you here, that's why." Alam nito ang tungkol sa bahay. Nadala na niya ito roon minsan. Pero hindi ito dumadalaw roon kaya nabigla siya nang makita ito roon. Suminghut-singhot ito. "You've been drinking again," komento nito. "I'm celebrating. I won a case, 'Ma. You'll probably hear of it in the news. Sikat na naman ako." Pinagmasdan lamang siya ng mabuti nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD