Sa pagkarinig ni Polo sa tawag ni Blaise ay nanumbalik ang pagkalitong nadarama niya.
Nakaganti na siya kay Jenna.
Taking her in the very house he bought for her before she dumped him seemed like a very fitting revenge. Pero ang nakakagulat, kahit kaunting satisfaction ay wala siyang naramdaman. Sa halip ay parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.
He recalled their lovemaking.
Hindi lamang ang kanyang katawan ang binalot ng init kundi pati rin ang kanyang puso.
He heard the door slam.
Nang tunguhin niya ang bintana para sumilip doon ay nakita niya si Jenna na naglalakad palabas ng gate. Ang unang reaksiyon niya ay magmadaling magbihis para habulin ito. Pero nang nagbibihis na siya ay natigilan siya.
Ano ang sasabihin niya rito?
Naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Iyon ang unang pagkakataon na nalito siya nang ganoon katindi. Pero sa kalaunan ay napagtanto rin niyang hindi niya kayang pabayaan si Jenna.
Somewhere deep in his heart, maybe buried so deep, was a feeling he couldn't deny. Ang damdaming iyon ang nagtulak sa kana na ipagpatuloy ang pagbibihis at sundan si Jenna.
He rushed out of the house and got into his car.
Pinasibad na niya ion papunta sa gate ng subdibisyon. Kinabahan siya nang mapuna niyang tila wala to sa sarili habang naglalakad. Walang anu-ano ay tumawid ito.
Kitang-kita niya ang humahagibis na jeep.
Mahahagip ito niyon.
Narinig niya ang pag-ingit ng mga gulong. Bumagal ang takbo ng jeep pero tila hindi kinaya ng preno niyon. Nabundol niyon si Jenna.
"Noo!?" sigaw niya.
Ganoon na lamang ang pagkahindik niya sa sinapit ni Jenna.
Nagpagulung-gulong ito sa daan.
And then she lay still.
For Polo, it was one of the worst days of his life.
So far, tatlo na ang natatandaan niyang kabilang sa listahan na iyon. The first was when Jenna told him she was leaving him.
The second was when his father died.
Ang pangatlo ay ngayon nga.
Pero siguro ay mas matindi ang hapding dulot ng pangatlong pangyayari dahil batid niyang kasalanan niya kung bakit nangyari iyon.
Walang malay si Jenna nang isugod niya ito sa pinakamalapit na ospital. Dinaluhan agad sila ng mga medical personnel na dinatnan nila sa emergency room.
He heard words like weak pulse, possible brain hemorrhage, at kung anu-ano pang mga salitang nagdulot sa kanya ng matinding takot. Lalo siyang natakot nang isugod ito sa operating room.
Tinawagan agad niya ang mga magulang nito at sa mga sandaling ion ay papunta na ang mga ito sa ospital.
Kasalanan mo, sumbat ng kanyang konsiyensiya.
Aminado siyang kasalanan niya kung bakit naaksidente si Jenna. Hindi ito aalis kung hindi niya nasaktan ang damdamin nito.
He wanted revenge and he got it.
Pero sa halip na maging masaya siya ay nagsisisi siya nang labis. Kapag may nangyaring masama kay Jenna..
Ipinilig niya ang kanyang ulo.
The possibility was too horrifying for him to even contemplate. If a part of him died when Jenna left him, what more if she left this world because of his fault?
Baka buong pagkatao na niya ang mamatay.
He couldn't even begin to imagine a world without her. Parang isang mundo, iyon na walang kulay, walang buhay, at walang saysay. Noon niya tuluyang naamin sa sarili niya ang katotohanang kay tagal niyang pinipilit huwag tanggapin: Mahal niya si Jenna.
Despite what she did and despite the hate he thought he felt for her, the love remained. Ang pagmamahal na iyon ay umusbong uli sa pagkaka-sama nila.
Sinubukan niyang pigilan iyon pero hindi siya nagtagumpay.
Totoo nga yata ang kasabihang "there is a thin line between love and hate."
Napakanipis ng linyang naghihiwalay sa dalawang matitinding emosyon na iyon kaya kung minsan ay ang hirap mawari kung hanggang saan ang hangganan ng mga iyon.
He hated Jenna with all his heart.
But maybe that was because he also loved her just as much. Napagtanto rin niya na ion ang rason kung bakit kaninang magkaniig sila ay kakaibang lebel ng emosyon ang dumaloy sa kanya, lebel na hindi niya narating sa marami nang babaeng dumaan sa kanyang buhay mula nang maghiwalay sila ni Jenna.
Nang bumukas ang pinto papunta sa pasilyong pinagdalhan dito at makita niya ang doktor na sumuri dito ay agad siyang tumayo at nilapitan ito.
"Fortunately, we didn't need to operate. Nakita kasi namin sa mga tests na hindi ganoon katindi ang pamamaga ng utak niya. The swelling could be controlled by medications. Of course, kailangan pa rin siyang obserbahan. We would still operate if we saw the need for it." sabi nito.
Nakahinga siya nang maluwag.
"Where is she?" tanong niya.
"Nasa ICU na. Pero kung hindi magbabago ang lagay niya, kahit siguro bukas lang ng umaga ay puwede na siyang ilipat sa regular na kuwarto."
"Puwede ko na ho ba siyang makita?"
"Okay. But make it quick." Tinawag nito ang dumaang nurse.
"Please show Attorney Sandoval to the ICU."
Pagkatapos niyang magpasalamat sa doktor ay sumama na siya sa nurse. Ilang sandali pa ay nakatayo na siya sa tabi ng kama ni Jenna.
She looked so pale and so vulnerable as she lay there.
Hinawakan niya ang kamay nito at masuyong pinisil yon. Even her hands felt cold. Pero hinawakan pa rin niya iyon para mabahaginan iyon ng init na nagmumula sa kanyang kamay.
Mayamaya ay nakita niyang gumalaw-galaw ang talukap ng mga mata nito. Naramdaman din niyang kumislot ang kamay nitong hawak niya. Ilang sandali pa ay dumilat ito.
"N-nasaan ako??" tanong nito.
She looked confused.
"Nasa ospital," sagot niya.
"Ospital?" Natahimik ito, tila napaisip.
"Oh," nawika nito kapagkuwan.
"Tumawid ako. Kasalanan ko. Naglalakad ako na parang walang nakikita."
That was because of him, because of his actions, he realized.
"Nabundol ka ng jeep," aniya.
"But the doctor said you'll be fine."
Pumikit ito sandali at nang dumilat uli ito ay matinding lungkot ang nabasa niya sa mga mata nito.
"Jenna, I'm so sorry," wika niya.
Tumango ito pero nanatiling malungkot ang anyo nito. May kalakip 'yon na resignation.