Chapter 16

1292 Words
She felt the tension slowly seeping away from her body. Napalitan iyon ng ginhawa. Napaigtad siya nang may mga labing dumampi sa batok niya. Naulit ang halik at sa pagkakataong iyon ay sa leeg naman niya dumapo. Hindi niya napigilang kiligin. Pero alam niyang hindi tamang gawin nito iyon. Wala na silang relasyon. "Polo, huwag," saway niya rito. Humarap siya rito para itulak ito palayo. Pero bago pa niya magawa iyon ay sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. His kiss awakened forgotten desires and ignited fires that she thought had long been extinguished. Mahal niya ito.. noon, ngayon at malamang na hanggang magpakailanman. Pinilit niyang kalimutan ito. Sinubukan pa nga niyang kamuhian ito pero bigo siya. Ngayong kasama niya ito ay hindi niya magawang tanggihan ito. "Jenna," sambit nito sa pangalan niya. Kissing Jenna felt like a dream. Iyon ang naramdaman ni Polo. Dati ay inasam niyang mayakap at mahalikan uli niya ito sa kabila ng galit na nadarama niya para dito. That was how madly in love he was with her. Pero noon iyon. Ang nangyayari sa kanila nang mga sandaling yon ay bahagi lamang ng normal na silakbo ng damdamin niya bilang isang lalaki. And if it would lead to interesting things, then maybe that would be good. Maybe then he would finally be able to get her out of his system. Matatahimik na siya at kahit paulit-ulit pang magkrus ang mga landas nila ay hindi na siya magagawang maapektuhan nito. Nagawa na kasi niyang maghiganti. Hindi niya pinansin ang sundot ng kanyang konsiyensiya. She deserved whatever was coming to her. May kapalit naman iyon ang pagtulong niya sa itay nito. Nilaliman pa niya ang paghalik dito. Sa kabila niyon ay nakulangan pa rin siya. It seemed the kiss they were sharing was not nearly enough to quench the heat he was feeling. He needed more. He wanted more. And he would get more. Binuhat niya ito. Napasinghap ito. Tinangka nitong magprotesta pero pinigil niya iyon sa pamamagitan ng paghalik uli rito. Nagawa niya itong ipasok sa loob ng bahay nang hindi tumitigil sa paghalik dito. Dumiretso siya sa nag -iisang silid na may mga gamit na. He gently laid her down on the bed and then, for a few seconds he simply gazed at her. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na naroon ito, na nakahiga ito sa kama niya at kung nanaisin niya ay magagawa niya rito ang anumang naisin niya. He wouldn't force her. Hindi siya ganoon kasama. Besides, he had a feeling he wouldn't need to. Kaya nga ilang sandaling nakontento siyang pagmasdan lamang ito. She was still the same woman and yet, she also seemed different. Mahaba-habang panahon slang nagkahiwalay at natitiyak niyang marami nang nagbago rito. Alam ni Jenna na maaari siyang tumanggi. Natitiyak niyang hindi siya pupuwersahin ni Polo kahit pa may kasunduan sila. Pero ayaw niya. Simple lamang ang dahilan kung bakit: Mahal niya ito. Sa kabila ng mga pagbabago rito ay nanatiling mahal niya ito. Mukhang alam nito ang kapangyarihan nito dahil walang pagmamadali sa kilos nito. Pinakatitigan pa siya nito. Na-conscious siya kaya tinangka niyang bumangon. Kumilos ito para pigilan siya. Yumuko ito at hinalikan siya sa mga labi. Mula sa puntong iyon ay hindi na gaanong malinaw sa kanya ang mga pangyayari. She let herself go with the flow until she realized that he narin. I had managed to take off her clothes. Ito man ay hubad. Bahagyang kaba lamang ang nadama niya sa nakaambang mangyari bag nangibabaw uli ang silakbo ng pagmamahal na iniuukol niya para dito. Nang pag-isahin nito ang kanilang mga katawan ay parang may kahungkagan sa kanyang pagkatao na biglang napunan. The pain was brief. She hardly felt it. Maybe it was because the pleasure that followed it was so intense. Tila nag-ugnay hindi lamang ang kanilang mga katawan kundi pati na rin ang kanilang mga kaluluwa. It was a feeling of oneness she couldn't even begin to describe. Mahal na mahal kita, Polo, piping sambit niya nang sabay nilang marating ang sukdulan. When it was over, it was then that the doubts started pouring in. May nangyari sa kanila. Hindi niya naiwasang makonsiyensiya nang maglaro sa diwa niya ang anyo ng anak nito at ng babaeng nakasama nito sa pagbuo ng supling. Sabihin nang marami pang ibang babae sa buhay nito pero iba iyong ina ng anak nito. At ngayon, ano na ang susunod na mangyayari? Polo felt his spirits soar. Hindi siya nagbuhay-monghe pagkatapos nilang maghiwalay ni Jenna. On the contrary, he slept around for a while. With those women, he felt physical release and it was pleasurable. Pero ngayon ay may kakaibang kaakibat ang namagitan sa kanila ni Jenna. Hindi lamang pisikal na pangangailangan ang natugunan niyon kundi parang napunan din niyon ang kahungkagan sa kalooban niya na kay tagal na niyang iniinda. He felt love burst forth from his heart. Hindi niya gustong mangyari iyon. Para kasing ang tanga-tanga naman niya kung pagkatapos ng ginawa nito sa kanya ay mahal pa rin niya ito. No! maring tanggi niya sa isip. Pero habang paakyat nang paakyat ang antas ng kaligayahang pinagsasaluhan nila ay unti-unti ring natitibag ang pader na itinayo niya palibot sa puso niya bilang pananggalang dito. He was making love to her-- making love, not having s*x. Malaki ang pagkakaiba niyon. Kasabay ng pag-abot niya sa ruok ng kaligayahan ay humulagpos ang damdaming pinakasisikil niya. He loved her. Pakiramdam niya ay napakatindi ng epekto sa kanya ng katatapos lamang na karanasan niya kaya Parang hindi pa umaandar ang isip niya. He was still in the process of formulating the right words to say to Jenna when his phone rang. Pinili niyang sagutin na muna iyon kaysa ang isipin ang tungkol sa kanila ni Jenna. "O, Blaise, napatawag ka?" sabi niya. Tungkol kay Pollito ang ibinalita nito. Nanalo diumano sa spelling bee ang bata. "That's great. Mana talaga sa akin ang batang iyon," wika niya. Maybe he was really looking for a distraction instead of facing the real issue. Iyon ang dahilan kaya pinili niyang makipag-usap muna kay Blaise kaysa kausapin si Jenna. "Yeah. That calls for a celebration. Sige, kakain tayo sa labas." Nasagot din agad ang tanong ni Jenna. Para ngang isinampal sa mukha niya ang sagot. Dalawang matinding bigwas ang idinulot ng pagtawag ni Blaise kay Polo: Una, ipinaalala niyon sa kanya na may babae sa buhay ni Polo na mas matimbang dito kaysa sa kanya at pangalawa, pinatunayan ng kilos nito na walang halaga rito ang namagitan sa kanila dahil pagkatapos ng lahat ay kalmante itong nakikipagkuwentuhan sa girlfriend nito. Kasalanan niya kung bakit siya nasasaktan nang mga sandaling iyon. Tanga kasi siya. Alam naman na niya ang nadarama sa kanya ni Polo, hindi naman nito itinago ang pakay nito. Pero sumige pa rin siya at nagpadala sa damdamin niya. Kaya bagay lamang sa kanya ang napala niya. Bigla ay hindi na niya kayang manatili sa presensiya nito. Kailangan niyang lumayo rito. Bumaba siya ng kama. Kipit ang kumot na dinampot niya ang nagkalat na mga damit. Kapagkuwan ay lumabas siya ng silid. Pumasok siya sa unang bakanteng silid na nadaanan niya at doon nagmamadaling nagbihis. Nangamba siya na makakasalubong niya si Polo sa pasilyo. Nang mga sandaling yon ay ayaw muna niyang makita ito dahil hindi niya alam kung paano niya ito pakikiharapan. Tuluy-tuloy siya sa ibaba. Natatandaan niyang malapit lamang sa gate ng subdibisyon ang bahay at paglabas niya roon ay highway na. May masasakyan siya kaya walang problema kahit iwan niya si Polo. Parang nakalutang ang isip niya habang naglalakad siya. Ano na ang gagawin niya? Kung siya ang masusunod, gusto niyang dumistansiya na kay Polo. Kung puwede nga lang ay magpapakalayu-layo na siya rito. Pero paano ang kasunduan nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD