Chapter 15

1039 Words
Hinimas-himas niya ang mga braso niya para mabawasan kahit kaunti ang lamig. "You shouldn't be standing out here." Napaigtad siya nang marinig niya ang tinig ni Polo. "Baka sipunin ka o mapulmunya, sagutin pa kita," sabi pa nito. Lalo pang lumapit ang tinig kaya sa tingin niya ay nakatayo na ito sa mismong likuran niya. Nayamot siya rito. Binulabog na nga nito ang pananahimik niya, kung anu-ano pa ang sinabi nito. "Huwag kang mag-alala, Sir. Pipirma ako ng waiver na nagsasabing wala kang sagutin kapag sinipon ako o napulmunya dahil sa pagtayo sa balkong ito," sagot niya. Naramdaman niya ang lalo pang paglapit nito. Kasunod niyon ay ang pagdantay ng dalawang kamay nito sa balikat niya. "What if it's not a waiver I want?'' anito. "E-eh ano pala?" Gusto niyang magtaray. Balak niyang magtaray. Ang kaso, hindi niya nagawang ganoon ang himig niya. Bigla kasi ay parang naubusan siya ng lakas. Patunay niyon ang pangangalog ng kanyang mga tuhod. "Oh, I could think of a number of things." Inilapit nito ang mukha nito sa gilid ng kanyang leeg. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito. Dapat ay lumayo siya rito pero hindi niya nagawa. Animo tuod na napako siya sa kinaroroonan. Bigla ay nasabik siyang madama ang mga labi nito. Sa kanyang leg. Dati ay ginagawa nito iyon. Alam kasi nito na may kiliti siya roon. Pumikit siva at hinintay na dumapo ang mga labi nito sa kanyang leeg. Pero bigla siya nitong binitiwan. "Nagugutom na ako," sabi nito. "Baka gusto mong tingnan kung ano ang puwede nating kainin sa kusina sa halip na nakatulala ka rito." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito. Nawindang siya sa bilis ng pagbabago ng tagpo. Iiling-iling na pumasok na lamang siya sa kanyang kuwarto. Nagpalipas siya ng ilang minuto bago siya nagpunta sa kusina para alamin kung ano ang makakain nila roon. May laman ang refrigerator pero frozen ang karne. Matatagalan kung palalambutin pa niya iyon. Lumapit siya sa cupboards. Well-stocked iyon kaya pumili na lamang siya ng dalawang lata ng corned beef. Iyon na lamang ang iluluto niya. "Kailan ba maluluto yan?" Malakas ang ting ni Polo kaya nagulat siya. Sumala ang kutsilyong ipinanghihiwa niya ng sibuyas at daliri niya ang nahiwa niya. "Aray!" sambit niya nang makaramdam ng kirot. "Ano'ng nangyari?" Nasa tabi agad niya ito. "You cut yourself?" Inabot nito ang kanyang kamay at sinuri ang sugat niya. Kapagkuwan ay hinila siya nito palapit sa lababo. Binuksan nito ang gripo at isinahod ang daliri niya sa tubig. "Stay here. Kukunin ko lang ang medicine kit," sabi nito pagkatapos. "Huwag na," tanggi niya. Baka sisihin pa siya nito sa pagkaantala ng hapunan nila. "I insist." Giit nito at umalis na ito. Nagbalik din naman agad ito at inasikaso na uli nito ang sugat niya. Nagpatianod na lamang siya. "There. All done. Mag-iingat ka kasi,"sabi nito pagkatapos nitong magamot ang sugat niya. "Teka, umupo ka na nga lang doon. Ako na ang maghahanda ng hapunan natin." "Pero-" "That's an order and I am your boss. Mamaya niyan, eh, kung ano pa ang mahiwa sa iyo." "S-sige." Hindi nagtagal ay natapos din ito sa pagluluto. Naghain na ito. Tinangka niyang tulungan ito pero pinaupo lang uli siya nito. "Let's eat," sabi nito nang dumulog ito sa mesa. Nagsimula na itong kumain. Pagkatapos kumain ay nagsimula na siyang magligpit ng mga pinagkainan nila. Dinala niya ang mga iyon sa lababo. Akmang huhugasan na niya ang mga yon nang pigilan siya nito. "Ako na," sabi nito. "Ha? Huwag na. Ako na." "May sugat ka,'di ba? Mababasa yan." "Ang lit nga lang nito." "Kahit pa. Ako na nga sabi, eh. Huwag ka nang makulit. Give me that." Inabot nito ang platong hawak niya. Hindi sinasadyang nagdaiti ang mga kamay nila at muli ay parang may kuryenteng nanulay sa mga ion. Ipinagpasalamat niyang hindi niya nabitiwan ang hawak niya. Napatingin siya kay Polo. Naalala niya ang mga pagkakataong nagpakita ito ng labs na pag-aalala at pag-aasikaso sa kanya. Dati ay ayaw na ayaw nitong nasasaktan at nahihirapan siya. Seeing glimpses of that side of him did things to her heart that she couldn't seem to control. Hindi rin agad ito nagbawi ng tingin. Hindi niya alam kung tama ang hinuha niya pero tila ito man ay natinag sa di-sinasadyang pagdaiti g kanilang mga kamay. Pinalis din agad niya ang hinalang iyon dahil baka kung ano pa ang maisip niya. "Ang mabuti pa ay magpunta ka na sa sala. Malamig dito. May apoy roon." Naglaro sa diwa niya ang isang eksena magkayakap sila sa harap ng naglalagablab na apoy. Ipinilig din agad niya ang kanyang ulo para mapalis iyon. "Kung puwede ay matutulog na ako. Pagod kasi ako at-" "Do whatever you want," anito. Sinamantala niya ang sinabi nito. Mabilis na nilisan niya ang kusina. Hindi naiwasan ni Polo na sundan ng tingin si Jenna. It would have been so cozy to sit by the fireplace with her. Naisip niya kanina na utusan ito na samahan siya roon. Base sa kasunduan nila ay may karapatan siyang gawin iyon. Pero hindi siya komportable sa ideyang napipilitan lamang ito sa pagsama sa kanya. Nalilito siya sa mga nararamdaman niya. Kagaya na lamang kanina. Nang datnan niya itong nakatayo sa balkon na nilalamig, ang instinctiuve reaction niya ay ang ikulong ito sa mga bisig niya. Pinigilan lamang niya ang kanyang sarili. And when he whispered to her and he inhaled her scent that was still so familiar to him after all these years, he almost ended up kissing her. Kung tutuusin, puwede niyang gawin ang mga 'yon. Ayon sa usapan nila, ang sarili nito ang kapalit sa serbisyo niya. Pero parang may pumipigil sa kanya na gamitin niya ang karapatan niyang iyon. Kahit nga ang simpleng pagsisilbi nito sa kanya ay gusto pang tutulan ng kalooban niya. Her presence in his life was creating some turbulence. Noong una ay galit na galit talaga siya rito. But lately, that anger was slowly dissolving. Kaya ang espasyo sa puso niya na dati ay inookupa ng galit ay parang nahalinhinan ng ibang emosyon. Napapalatak siya. Kailangan niyang i-reformat ang pag-lisip niya dahil mukhang na-virus iyon. Ipinaalala niya sa kanyang sarili ang plano niya: ang gantihan ito sa ginawa nitong pang-iwan sa kanya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD