Nayakap ni Jenna ang kanyang sarili dahil sa matinding lamig. Makapal na jacket na ang suot niya pero nanunuot pa rin ang lamig. Hindi tuloy niya lubusang ma-appreciate ang magandang tanawing nadaraanan nila ni Polo.
Papunta sila sa Baguio. Gusto nitong makapag-trabaho habang nasa biyahe kaya nagsama ito ng driver. Dahil doon kaya katabi niya ito ngayon sa backseat. Kung hindi nga lang nito iniutos na doon siya maupo ay sa unahan na lamang siya sasakay kaninang makita niya itong umupo sa backseat.
"I might need to dictate something to you,'' ikinatwiran pa nito.
Pero mula pa sa Maynila hanggang ngayon na paakyat na sila sa zigzag road ay wala itong sinasabi sa kana. Nakakatensiyon tuloy ang katahimikan.
Panay lang ang basa nito ng mga dokumento.
Isang kaso ang dahilan ng pag-akyat nila sa Baguio.
Bahaging masusing preparasyon nito ang pagrépaan sa lahat ng papeles at impormasyong may kinalaman sa kaso.
Kanina pa ito nagbabasa kaya hindi na siya nagulat nang sa kalaunan ay hilutin nito ang magkabilang sentido nito. Siguro ay sumasakit na ang ulo nito.
"Marunong ka bang maghilot?" tanong nito nang bumaling ito sa kanya.
"Ha?''
"Parang magkaka-migraine yata ako. A massage usually helps. And since you're the only one here aside from the driver, baka naman marunong kang maghilot."
"Ahm, medyo."
"Good. Pakihilot naman, o." Inilapit nito ang sarili sa kanya.
Awtomatiko siyang napaisod.
"Naligo ako kanina. Nagpabango pa." anito.
Hindi ang amoy nito ang problema.
Kung kanina ngang nalaman niya na magkakatabi sila sa backseat ay natensiyon na siya, paano pa ngayon na kulang na lamang ay magkadikit na sila?
Hindi na siya sumagot.
Sa halip ay idinantay niya ang mga kamay niya sa mga sentido nito at pinilit na huwag pansinin ang tila pag-init ng mga iyon. Wala siyang pormal na pagsasanay pero may kaunting ideya siya kung paano maghilot.
"Oh, that feels good," nakapikit na usal nito.
Nahikayat siya ng reaksiyon nito na ituloy ang ginagawa niya. She felt a certain satisfaction in knowing she was doing something to lessen his pain.
Naginhawaan naman yata ito at dahil na rin siguro sa pagod, mayamaya lang ay nadama niya ang bigat nito na napasadlak sa kana.
Nang sulyapan niya ito ay nakita niyang nakatulog na pala ito.
Mukhang hindi ito komportable sa pagkakaupo kaya bahagya siyang lumayo. Umungot ito, parang nagpoprotesta. Kapagkuwan ay kumilos ito. Nang mga sumunod na sandali ay natagpuan niya ito na nakaunan sa kandungan niya.
Hinayaan na lamang niya ito.
Kahit sandali man lang ay makapagpahinga ito. He had been working like a horse these past few days. Ilang araw nangang halos sa opisina na nito ito natutulog. Kahit hindi ganoon kaganda ang pakikitungo nito sa kanya ay may bahagi pa rin niya ang nag-aalala rito.
Baka magkasakit ito.
Sinamantala niya ang pagkakapikit nito para pagmasdan ito.
He had changed so much and yet, he still looked the same. Iyon pa rin ang mukha ng lalaking minahal niya.
At mahal mo pa rin hanggang ngayon? anang
maliit na tinig sa kanyang isip. Hundi, ah! mariing kaila niya.
And yet, as she gazed at Polo's sleeping face, she felt the urge to run her fingers through his hair, 'to smoothen his brows with her hands, and to kiss his cheeks.
Mabilis din niyang sinaway ang kanyang sarili.
Ipinilig pa niya ang kanyang ulo dahilan parà mapadilat ito.
Nagtama ang kanilang mga mata.
He looked surprised and a bit disoriented. And for a few seconds, she thought she saw his features soften.
Parang nagkaroon n kaunting tenderness samga mata nito habang nakatingin ito sa kanya. Iyon nga lang, saglit lamang na tumagal 'yon.
Mukhang sa tuluyang paglinaw ng isip nito ay naalala na rin nito kung sino siya sa buhay nito dahil dumilim ang mukha nito. Bumangon ito at lumayo sa kanya.
Binalikan nito ang mga papeles na dala nito.
Hinilot ni Polo ang kanyang batok.
It had been a long and very tiring day. Bukod sa tumagal ang hearing, natagalan din ang pag-uusap nila ng kliyente niya. Mabuti na lamang at handa talaga siyang mag-overnight sa Baguio kaya naipahanda niya sa caretaker ang guest house niya.
Doon sila dumiretso ni Jenna.
Ang driver na kasama nila ay nauna nang lumuwas sa Maynila dahil magse-service naman ito sa is pang kasamahan niya sa law firm. Siya na lamang ang magmamaneho pabalik.
Napatitig siya sa apoy ng fireplace.
Napakalamig ng panahon kaya sinindihan nila ang fireplace. Mula sa bintana ay tanaw niya ang paligid na balot ng hamog.
He sighed.
He felt the weariness seeping into his bones and yet he couldn't seem to relax even if he was not doing anything.
Natagpuan niya ang sariling nire-revise sa isip niya ang kaso ng ama ni Jenna. Isang imbestigador na suki na niya ang inatasan niyang maghalungkat ng impormasyon tungkol sa napatay na supervisor.
Hindi na siya nagulat na malamang nasangkot na ito
dati sa isang anomalya. Mahusay lamang itong magtago ng dumi nito kaya hindi ion lumalabas sa mga records nito.
Ang nahalukay na impormasyong 'yon ang nagturo sa kanila sa mga taong magagamit nila bilang mga testigo. Ang ilan sa mga testigo ay may ikinanta tungkol sa lalaking nagdiin sa itay ni Jenna bilang salarin.
Napagtanto agad niya kung bakit gusto ng lalaking maisara agad ang kaso. Kapag nagkabusisian kasi nang husto ay baka mahalungkat pa ang baho nito. Wala pa siyang kongkretong pruweba pero nahinuha niyang sangkot ito sa pagdispalko ne pera
ng kompanya.
Dahil doon ay balak niyang pasimpleng banggitin ang tungkol sa nalalaman niya sa susunod na magkausap sila ng testigo.
Base sa karanasan niya, malaki ang posibilidad na umatras na ito sa pagiging testigo kapag natunugan nitong may alam siya sa mga katiwaliang ginawa nito. Without his testimony, the case would fall apart.
Thinking about the case reminded him of Jenna.
Sa pagkalam ng kanyang sikmura ay saka lamang niya naalala na hindi pa sila kumakain ng hapunan.
Nag-merienda lamang sila kanina. Malamang na katulad niya ay nag-aalboroto na rin ang sikmura ni Jenna.
Nagpasya siyang hanapin ito at tanungin kung gusto nitong kumain. Hindi kasali sa listahan niya ng forms of torture ang paggutom niya rito.
Napahalukipkip si Jenna sa sobrang lamig.
Pero kahit parang maninigas na ang mga kalamnan niya sa lamig ay ayaw pa niyang umalis sa balkong kinatatayuan niya. Ang ganda kasi ng tanawin doon.
Kitang-kita niya ang sanlaksang bituin, pati na rin ang ilaw ng mga kabahayang nasa gilid ng bundok.
Dahil mahamog ang paligid ay nabigyan niyon ng kakaibang dimensivon ang paligid. She felt like she was looking through a smoked glass.