Chapter 13

1003 Words
"Ikaw!" bulalas nito nang makita siya nito. ''Ma, Calm down." Nagpapahinuhod ang tinig ni Polo. "How can I calm down? That... that woman is here, right here working for you and yet you never mentioned a thing." Hysterical na ito. Kanina, pagpasok nito sa opisina niya ay daig pa nito ang nakakita ng halimaw nang makita nito si Jenna. Namutla ito at nanginig sa labis na emosyon. "Because I know you will overreact. Ano ba ang problema kung nagtatrabaho rito si Jenna?'' tanong niya. "Ano ang problema? Polo, that woman dumped you many years ago. Hindi mo sinabi sa akin ang dahilan kung bakit pero sapat na ang ginawa niya para i-ban ko siya sa buhay mo. Paano ba siya napunta rito? Ano' ng nangyari kay Mildred?" "She went on leave because she is due to give birth. What are you doing here anyway?" "Nagkita kami ni Mrs. Tempoco sa ARL Towers." Kaibigan nito ang taong binanggit nito. "I was in the area and on a whim I decided to drop by to surprise you. Hindi ko akalain na ako pala ang masosorpresa, or 'shocked' would probably be a better word to describe what I felt. What on earth drove you to —“ "Pansamantala lang ang pananatili rito ni Jenna. Don't sweat it, 'Ma. Walang kaso na nandito siya." "Walang kaso? That woman-" "That woman means nothing to me now, okay? As far as I'm concerned, whatever relationship we had in the past is already in the past. Tapos na iyon at hindi na mauulit. Kaya kalma ka lang, 'Ma, okay?" "Sigurado ka ba riyan sa sinabi mo?" She looked straight into his eyes. Parang nagdududa ito. "Very sure. Huwag n' yong pasakitin ang ulo ninyo sa isang bagay na walang kakuwenta-kuwenta. Now maybe we should have something to eat. Sayang naman ang pagpunta mo rito kung hindi man lang kita mapapa-merienda." Iginiya niy a ito papunta sa pinto. Nilagpasan nila si Jenna. Pero hindi rin siya nakatiis. Nang makalabas sila ng pinto ng mama niya ay pasimpleng nilingon niya ito. Nakayuko ito at animo may isinusulat. For some reason he suddenly wanted to go to her and hold her in his arms. And my mother would surely have a fit. Napailing siya sa naisip. Habang pababa ang elevator a kinalululanan nila ng kanyang mama ay naalala niya kung paano tila nag-apoy sa galit ang mga mata ni Jenna nang datnan nito sila ni Carisse na magkayakap. She seemed fuming mad. Ayon dito ay pangit tingnan na may iba pa siyang babaeng pinapatos kahit may anak na sila ni Blaise. But her words sounded hollow. May pakiramdam sivang ito mismo ang nasasaktan. Sa kung anong dahilan ay ikinatuwa niya iyon. "O, ano'ng intisip mo?" tanong ng mama niya. "Ha? W-wala, 'Ma." "Wala, eh, nakangiti ka riyan." "May naisip lang ako. It's nothing," sagot niya. Hindi na nagulat si Jenna nang minsang nasa isang convention sa Cebu si Polo ay dumating uli sa opisina nito ang mama nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya niyaya ng ginang sa kung saan. Pero sa pagkakataong ion ay inunahan na niya ito sa pagsasalita. "Alam kong nabahala kayo nang makita n' yo ako rito. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sinabi ng anak ninyo kung bakit narito ako pero ang pagpunta n'yo rito ngayon ay patunay na hindi sumapat iyon." "Damn right I'm not satisfied," kumpirma nito. "Kung gano'n, ako na ang magsasabi sa inyo na wala kayong dapat ipag-alala kung ang pagkaka-balikan namin ng anak ninyo ang ipinag-aalala ninyo." "Wala nang pagtingin sa akin si Polo at ako man ay ganoon din sa kanya. Ibang Polo na ang nakikita ko ngayon. Hindi na siya ang lalaking minahal ko." "Mahalaga sa anak ko ang mga pangarap niya." "Nagsimula na siya sa landas na dapat niyang tahakin. He is now a councilor of our district and a darn popular one at that. Umaakyat na siya sa baitang ng tagumpay." "Alam ko hong mahalaga sa kanya ang mga pangarap niya at walang epekto sa kanya ang presensiya ko rito ngayon sa pag-abot niya sa mga yon. Ituring n'yo akong isa lang empleyado rito. Pansamantala lang ako rito at sa sandaling umalis ako ay harinawang hindi na uli magkrus ang mga landas namin." "What do you want from my son?" tanong nito. "Ano ho ba ang sinabi niya sa inyo?" "Tinutulungan ka raw niya sa kaso ng ama mo. What's with that father of yours anyway? Bakit kung anu-ano ang kinasasangkutan niya?" Nahimigan niya ang matinding disgusto sa ting nito. "Sa pagkakataong ito ay inosente siya," pagtatanggol niya sa kanyang ama. "Whatever. Anyway, you couldn't have gone to another lawyer?" "Si Polo ang pinakamahusay na abogadong kakilala ko," katwiran niya. Hindi na niya sinabi rito ang tungkol sa banta ng anak nito na kakalabanin siya nito kapag umatras siya sa pagkuha sa serbisyo nito. Hahaba pa ang usapan at baka mag-isip pa ng kung anu-anong hindi naman dapat pang isipin ng mama nito. "Dahil nga sa reputasyon niya ay natinag ang kalaban namin." "Binabalaan kita." "Hindi n'yo ako kailangang balaan dahil wala akong binabalak na kahit ano." Tinitigan siya nito na parang inaalam ang kanyang tunay na saloobin. Malamang na nalilito pa ito kaya pagkalipas ng ilang sandali ay basta na lamang siya nito tinalikuran at iniwan. Parang pagod na pagod siya pagkatapos. Napasandal siya sa upuan. Halos hindi siya makahinga. Kung may dapat man siyang ikatuwa sa hindi nila pagkakatuluyan ni Polo, iyon ay ang kaalamang hindi niya magiging biyenan ang mama nito. Gayunman, nang maalala niya ang sinabi ni Polo rito noong una itong dumating sa opisina ay nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. "That woman means nothing to me, okay? As far as I'm concerned, whatever relationship we had in the past is already in the past. Tapos na at hindi na madurugtungan pa." So what kung ganoon man? aniya sa sarili. Good riddance. Ito at ang mama nito ay kabilang sa mga tong hindi dapat maging parte ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD