Nadismaya si Jenna pagkatapos niyang makita ang kanyang hitsura sa compact mirror. Ang laki ng eye bags niya. Halos hindi kasi siya nakatulog nang nagdaang gabi at si Polo ang dahilan.
He had been haunting her thoughts for three days now. Nagsimula iyon nang magsalo sila sa hapunan. Alam niyang isang malaking kagagahan iyon pero wala siyang magawa para mabura ito sa isip niya.
Napasinghap siya nang matanaw niya itong naglalakad palapit sa kanya. Agad siyang yumuko at nagkunwaring abala sa pagta-type sa computer.
"Good morning," bati nito.
Napilitan siyang mag-angat ng tingin. "Good morning, Sir," ganting-bati niya.
Sandali itong tumigil para pagmasdan siya.
Pagkatapos siya nitong pasadahan ng tingin ay saka ito naglakad na papunta sa opisina nito. Tinutop niya ang kanyang dibdib. Hindi siya natutuwa sa nangyayari sa kanya. Ang hirap pigilan ng reaksiyon niya rito.
Pero alam niya na dapat niyang pigilan iyon. Siya rin ang mahihirapan kapag nagkataon. May time limit ang pamamalagi niya sa opisina nito. Sa sandaling matapos ang kaso ng itay niya ay maghihiwalay na uli ang mga landas nila.
Kapag nangyari iyon, sa tingin niya ay malabo nang magkita pa sila. Kaya bakit pa niya hahayaang mabuhay uli ang damdamin niya rito?
Nasa kasagsagan na siya ng pagtatrabaho nang bumukas ang salaming pinto.
"May I help you?'' nakangiting tanong niya sa bagong dating.
"Is Polo in?" tanong nito.
"Yes, Ma'am. May I know your name so I can tell him?"
"No need."
Bago niya mapigilan ito ay nagtungo na ito sa opisina ni Polo at binuksan ang pinto niyon.
"Carisse, what a surprise!" narinig niyang bulalas ni Polo.
"I hope it's a pleasant one, darling," anang babae.
Kasunod niyon ay sumara na ang pinto.
Darling na naman. Katumbas ng malamig na tubig na isinaboy sa mukha niya ang eksenang iyon. Hayun siya at nag-iisip ng kung anu-ano pero hayun din ang pruweba na wala siyang dapat isiping kahit ano tungkol kay Polo maliban sa dapat lang niyang tuparin ang papel niya sa usapan nila.
Humarap na uli siva sa computer. Pero bago pa niya masimulan an pagtipa roon ay tumunog ang telepono sa tabi niya.
"This is Blaise. Can I speak with Polo? Hindi niya sinasagot ang cell phone niya, eh," anito.
Paano niya sasagutin, eh, may pinagkaka-abalahan siya?
"Gano'n po ba? Okay, Ma'am, I'll put your call through."
"Thanks."
Inilipat nga niya ang tawag papunta sa opisina ni Polo. Pero ring din lang nang ring iyon. Sobrang busy na ba ni Polo sa bisita nito at wala na itong kahit anong pakialam sa mundo? Kung anu-ano na tuloy ang imahe na naglaro sa diwa niya--mga imaheng nagdulot sa kanya ng matinding inis.
"Ma'am, I'm sorry but he's not picking up. May kliyente kasi siyang dumating kani-kanina lang."
Nainis siya na napilitan pa siyang magsinungaling.
"Can I just take a message?" sabi niya.
"Just tell him I called up."
"Okay, Ma'am."
Napatitig siya sa saradong pinto ng opisina ni Polo nang maibaba na niya ang telepono. Wala siya dapat pakialam sa ginagawa ni Polo pero hindi siya mapakali. Ganoon a lamang ang pagkukukot ng kalooban niya sa naiisip na tagpo sa pagitan nito at ng bisita nito.
Nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya mula sa mesa niya. Kumatok siya sa pinto bilang warning at itinulak iyon pabukas.
Parang mga dagang nabulabog ng pusa at mabilis na naghiwalay sina Polo at Carisse na nadatnan niyang magkayakap.
Sinasabi na nga ba niya. Kaya hindi pinapansin ni Polo ang mga tumatawag dito ay dahil abala ito sa paggawa ng kabulastugan.
"Don't you know how to knock?" salubong ang kilay na sabi nito.
"Kumatok ako, Sir. Ang kaso, hindi n'yo yata narinig kasi, ahm, busy kayo. Pati nga cell phone ninyo ay hindi n' yo raw sinasagot, sabi ng girlfriend ninyo."
"Your girlfriend? Why you---"
"Don't get excited, Carisse," sabi ni Polo sa babae.
"Leave the room please, Miss Marcelino."
Pinukol siya nito ng matalim na tingin.
"Yes, Sir," sabi niya.
"Nangahas lang naman akong istorbuhin ka kasi mukhang urgent ang sasabihin ng girlfriend ninyo. Mag-return call ka raw sa kanya." Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya at tinungo ang pinto.
Nag-umigting pa ang pagkukukot ng kalooban niya. Seeing Polo with another woman again made her feel terrible. Wala siyang karapatang masaktan pero masakit pa rin. Pahiwatig lamang siguro iyon na ang pagmamahal na dati niyang nadama para dito ay hindi pa tuluyang napapalis.
Ilang sandali pa lamang siyang nakakabalik sa mesa niya ay pabalabag na bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang bisita ni Polo. Humahangos ito at parang umuusok ang ilong.
"Carisse!?" tawag dito ni Polo pero parang walang narinig na nagpatuloy ang baba sa pag-alis.
Sinundan pa rin ito ni Polo pero huminto ito nang makasakay na si Carisse ng elevator. Sandali nitong tiningnan ang sumarang elevator bago ito naglakad pabalik sa opisina nito.
Huminto ito sa harap ng desk niya.
"I want to speak with you," sabi nito.
"In my office. Now."
Tinalikuran siya nito at tumuloy ito sa opisina nito.
Wala siyang magawa kundi ang sumunod dito.
"Happy now?'' tanong nito nang maisara niya ang pinto. Nakatayo ito sa harap ng mesa nito.
"Wala akong makitang dahilan para maging masaya o malungkot, Sir," sagot niya.
"Oh, really? Then what was that all about?"
"Ano ba ang kasalanan ko, Sir? Taga-relay lang ako ng mensahe. Tumawag si Miss Blaise. Hindi n'yo raw sinasagot ang cell phone ninyo. Inilipat ko ang call niya sa opisina ninyo pero hindi mo pa rin sinasagot ang tawag niya."
"So you barged in and announced to the world that I have a girlfriend?"
"Eh, bakit kasi ang dami mong girlfriend?" naibulalas niya bago pa niya mapigilan ang sarili.
Pinagmasdan siya nito at habang nakatingin ito sa kanya ay humahakbang ito palapit sa kanya.
"Does that bother you?" tanong nito nang nakatayo na ito sa harap niya.
"Oo. Ang sagwa kasi," sagot niya.
"May anak na kayo ni Miss Blaise, tapos nakikipagrelasyon ka pa kung kani-kanino."
Pero kahit iyon ang sinasabi niya ay parang hindi naman taos sa puso niya iyon.
Sa halip, ang sailing kalooban niya ang nasasaktan.
Nangyayari yon tuwing may nakikita siyang babaeng konektado sa buhay ni Polo. Ang tanong lang ay kung bakit.
Kasi sira ka, sagot niya.
"May I remind you, Miss Marcelino, that you are my assistant and not the guardian of my morality. Kahit ilang babae ang patulan at anakan ko, wala kang pakialam doon."
"Bahala ka. Kung sa tingin mo ay maganda ang ginagawa mo, humayo ka at magpakasaya. Kung wala ka nang sasabihin, excuse me, Sir. Tatapusin ko ang report na ipinapagawa mo."
Kumilos siya para lalikuran ito pero hindi niya naituloy ion. Pinigilan kasi siya nito sa braso.
Wika nito, "You have no right messing with my private life;"
"Eh, di wala."
"What does that mean?"
"Ang laki ng ipinagbago mo, Polo."
"Nakakagulat ba ion? Four years is a long time. Hindi mo mae-expect na manatili akong kagaya ng dati."
"Kitang-kita ko nga ang pagkakaiba. Wala na ang Polo na kilala ko dati."
"Meaning?"
"Dati, ang playboy image mo ay image lang. Ngayon ay tinotoo mo na. You have turned into a monster."
"We are shaped by our experiences. Resulta ang bagong Polo ng pangit na karanasan. You have no idea how monstrous I could get."
"Nakita ko kung paano ka maging monstrous. At alam ko."
"You don't know anything!"
Galit ito.
Hawak siya nito kaya ramdam niya ang bahagyang panginginig nito. Pero nang mapatingin siya rito ay tila hindi lamang purong galit ang nabasa niya sa mga mata nito.
Napakalapit nila sa isa' t isa. Sa distansiya nila ay nalalanghap niya ang hininga nito. Ipinaalala niyon sa kanya ang mga panahong naglalapat ang kanilang mga labi. Hanggang sa pagpapalitan lamang ng maiinit na halik sila humantong noon.
Bigla ay gusto niyang maranasan uli ang halik nito. Agad din niyang sinaway ang kanyang sarili sa naisip. Kailangan niyang makalayo rito. Hinila niya ang kanyang braso ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak doon.
Unti-unting inilapit nito ang mukha nito sa kanyang mukha.
Huwag! sigaw ng matinong bahagi ng kanyang isip.
Sa huling sandali ay nagawa niyang ibaling ang kanyang mukha kaya sa halip na sa mga labi ay sa pisngi niya dumapo ang mga labi nito.
"B-bitiwan mo na ako, please," pakiusap niya.
Abruptly, he did let her go.
Para gang kulang na lamang ay isalya siya nito palayo. He must have realized what he was about to do.
Tumingin siya rito. Kababakasan ng pagka-disgusto ang mukha nito.
Nagmamadaling iniwan niya ito.
Eksaktong paglabas niya ng opisina nito ay bumukas naman ang salaming pinto. Napatda siya nang makita niya ang taong pumasok doon.
Kahit ang bagong dumating ay natigilan.