Chapter 1

2821 Words
Sinundan ko si Niccos at ang kanyang mga kaibigan na ngayon ay papalayo na gamit ang aking mga mata. Girls eyed at them like they're a group of princes dominating the whole place right now. The oozing mixture of confidence and charisma is somehow visible around them. Niccos looked so nonchalant while walking, parang ipinapakita niya na wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya, maging ang mga babaeng kulang na lang ay mahimatay sa kilig katititig sa kanila. "That's what you get for messing with our Niccos!" Now, back to these crazy fan girls blaming me for rejecting their King Niccos. Base roon, hindi yata nila narinig iyong sinabi sa akin ni Niccos bago niya ako lampasan. I doubt he's serious with that. I can't seem to feel his sincerity. Parang noong nanligaw siya....wala akong naramdaman. Mainly because of his stern and bored aura distracts me that it dominated his facade. Tanong niya pa nga lang sa akin ng 'Be my girlfriend' ay parang inaantok na. At least, I was reasonable for rejecting him in the first place. Pagkarating ko sa classroom namin ay buhay na buhay ang mga mata nilang umusisa gamit ang masamang sulyap sa akin. Halos lahat ng galaw ko ay pinapanuod nila, parang naghahanap lamang ng mali ko at pagkatapos ay pupunahin kaagad. "Okay class, settle down first. May bago kayong kaklase." Hudyat iyon ng biglang pagtahimik ng buong classroom. Umayos kaming lahat ng upo at itinuon ang pansin sa harapan, kung nasaan mayroong kasama si Ms. Danville na bagong estudyanteng babae. Matangkad ito— katamtaman ang katawan, mukhang balakangan at ang ganda niya. Sobrang puti, almond ang hugis ng kanyang mga malalalim at kulay brown na mata. Makapal ang kanyang kilay at normal na nakanguso ang kanyang medyo makapal na labi. She is an obvious simp for the boys. Napatunayan ko iyon nang ilinibot ko ang buong paningin sa classroom. Ang mga kaklase kong lalaki ay mukhang aliw na aliw sa nakikita. "Hello. I'm Maria Crizzie Fostello from Stalwart. You can call me Izzie. I'm 18 years old, I hope we'll get along." Her black hair looked ironed. Bagsak na bagsak. "Maupo ka roon sa tabi ni Pia." Turo sa akin ng aming guro. Dumapo naman ang mga mata ni Izzie sa akin. Her eyes glimmered and that did not hide her excitement. Seemed like she didn't want to hide it in the first place. Akala ko pa naman ay madi-disappoint siya kung itatabi siya sa isang nerd na kagaya ko. "Hi!" She remarked as she sat beside me. I forced a smile out of the unusual feeling present inside me. "H-hello." "What's your full name?" Ngiting-ngiting tanong niya. "Nefer Sophia Oleo...i-ikaw?" Nanlaki ang aking mga mata. Idiot! Nasabi na nga niya ang kanyang pangalan kanina, dahil sa kaba ay naitanong ko ulit. "P-Pasen—" "Oleo?" Nanlaki ang kanyang mga mata. "Oleo? O-le-yo?" Napakurap-kurap ako at tumango. "O-oo." Umusog siya papalapit sa akin, hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Kaano-ano mo si Allen?" "Allen?" "Yup. Allen...I don't know his full name but his last name is Oleo—" "Allesandro Nikol Oleo? Kuya ko siya...b-bakit?" "Oh my gosh. Yes, siya nga! The one from DelCad? The Med School god?" "H-ha?" Hindi ko alam na may ganoong tawag kay kuya. I almost wanna laugh about the idea. "Show me a picture." Napanguso ako at kinapa ang aking cellphone sa bulsa. Ngunit nanlaki na lamang ang aking mga mata nang wala na akong nakapa roon. "W-wait...my phone is missing." Napatingala na lamang kaming lahat sa speaker na nasa sulok ng classroom. "Good morning students, this is your Council President Niccolos Hibari Castrel. There is a missing cellphone on hand, and its owner is someone very, very special to me." "Special?!" "Oh my gosh! Iisipin ko na sanang ako iyon kaso hindi pala nawawala ang cellphone ko." Agad nag-react ang aming mga babaeng kaklase. Some were even melting and squealing on their chairs. "To this woman named Nefer Sophia Oleo, claim your cellphone on the student council's office. I will wait for you." "What? Seriously?" Napatingin sa akin si Izzie, tinuro niya pa ang speaker at mukhang hindi makapaniwala. "Ikaw 'yun, 'di ba?" Wala sa sarili akong napatango. "O-oo. Ako nga." Mas lalo lamang akong napangiwi nang sabay-sabay ang aking mga kaklase na nagsitinginan sa gawi ko. Sa mga tingin nila, parang mayroon akong nagawang kasalanan. Even Izzie just blinked numerous times while pouting. Mukhang walang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari. "Miss Oleo, tiyaka ka na pumunta after ng klase natin." Anang aming guro na si Ms. Danville. The classes went on with me baring some death glares around me. Habang hinihiling ko sa aking utak na sana matapos na agad ang klase dahil medyo triggered na ako, pero mas lalo lamang bumabagal ang oras na lumilipas habang unti-unting tumataas ang anxiety ko. It almost felt like a whole year. It was temporarily out of my mind in the middle of my class, pero noong nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang klase namin ay nabuhayan akong muli. Lalo na noong sinulyapan ako ni Ms. Danville at tinanguhan. She was encouraging me to go already. I guess my face isn't too obvious about showing my nervousness after all. Para akong nabunutan ng tinik noong makalabas na ako sa aming classroom. Breathe the fresh air, Pia. The clicks of my black shoes against the corridor's floor is almost as deafening, hindi ko alam kung bakit dahil doon ay parang mayroong nakadagan na isang mabigat na bagay sa dibdib ko. Agad akong kumatok sa pintuan nang narating ko ang SC office. I see no reason to hold back, as well as I was aware na may susunod pa akong klase. The door swayed open at isang nakangiti nang malawak na lalaki ang sumalubong agad sa akin. "You're here!" He said. I guess isa siya sa mga kaibigan ni Niccos. If I am not mistaken, his name is Novo. "I'm here to claim my cellpho—" "Yes, I know," he cheerfully cut me off. "Come in first." Out of being polite, I obliged. The SC office is not as flexible as I have imagined. Akala ko ay pawang isang kwarto lamang ito na mayroong mga tables. Mali pala ako dahil mas malawak pa ito, mayroon pang set ng sofa at tea table, parang office ng principal lang ang datingan. Hindi rin nakatakas ang apat na lalaking nakaupo roon sa paningin ko. Ang apat na magkakaibigang hari ng school ika nga nila. Hindi ko na rin ikinagulat ang kanilang presensya. Tumikhim ako upang mabago ang ihip ng hangin. They were all smirking with each other, nagkukulitan pa si Lev at iyong isa pa nilang kaibigang si Luka ngunit napatigil bigla. Si Novo ay dinaluhan sila at naupo roon sa sandalan ng sofa na kinauupuan ng naka-de quatrong si Niccos. "Get out." Napatingin lahat kay Niccos, matuwid na nakaupo habang nakahalukipkip. He was formally dressed with his uniform and his hair is properly fixed: down, blocking his forehead. "A-Ako ba?" I asked. Confused. "No, Miss," humalaklak si Lev at umiling-iling. "Kami ang pinapaalis niya." "I guess, we don't have a say about this." Novo said and stood up. Smirking. "Wala talaga," Luka countered at sinundan ang ginawa ni Novo na pagtayo. Namulsa siya at sumulyap sa akin. He smirked at me. "What are you looking at?" Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa pagkakailang na hinaluan ng kaunting takot. Now, I have to remind myself that I should not look at Luka too long. "Alis na kami," paalam ni Novo at ngumiti sa akin. Sinundan siya ni Luka na mukhang na-offend sa ginawa kong paninitig, samantalang si Lev ay sinadya pang lumapit sa akin habang lumalayo kay Niccos. "Huwag mong gagalitin." Aniya bago pa tuluyang lumabas. Namayani kaagad ang katahimikan nang maisara ni Lev ang pintuan ng opisina. Tanging ang tunog ng air conditioner ang umaalingawngaw sa malawak na kwarto. "I'm here to claim my cellphone." Umpisa ko. Hindi nagsalita si Niccos, bagkus ay tumayo lamang siya at isinilid ang isang kamay sa bulsa. Naglakad siya papunta sa isang table at binuksan ang drawer noon. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa gawi niya. "Lapit." Mahina niyang sinabi ngunit narinig ko naman. Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa gawi niya. Ihiniling niya patagilid ang kanyang katawan sa lamesa habang nakatukod bilang suporta sa kanyang kanang kamay. Mula sa drawer, gamit ang isa niyang kamay ay inisa-isa niyang ilabas ang mga cellphone na naroon. Isa, dalawa, tatlong cellphones na iba-iba ang kulay. Agad nagsalubong ang dalawa kong kilay...ba't ang dami? Gumapang ang aking mata papunta sa kanyang mukha. Again, he looks bored yet his face looked alive because of his angelic features. Hindi ko lang alam kung normal na bang ganoon ang kanyang mukha, pero napagtanto kong kapag gwapo ka, kahit siguro nakasimangot ka palagi ay okay lang dahil hindi naman niyon naaapektuhan ang hitsura mo. "Saan diyan ang cellphone mo?" His bored eyes bore into me. He looked at me like I am a boring creature. Pabagsak akong tumingin sa lamesa at hinanap ang aking cellphone gamit ang mga mata. Ramdam ko naman ang mga mata niyang nasa akin pa rin, pinapanuod ako. "Ito ang cellphone ko." Tinuro ko ang cellphone ko. Agad niya naman itong pinulot at itinaas. "Are you sure?" Inayos ko ang aking salamin upang makumpirma nga. Baka nagkakamali ako ngunit iyon nga ang aking cellphone. "Yes. That's mine." "But this cellphone is broken." Aniya dahilan upang mapanguso ako at manlaki ang dilat ng mga mata. "A-Anong sira? Patingin..." Aagawin ko na sana ang cellphone sa kanyang kamay nang bigla niya itong ilayo. His hand was fast, and he even stood up to make sure I won't insist on reaching for it dahil matangkad siya at hanggang dibdib niya lang ang aking ulo. "How can I make sure this is yours?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. Naiwan sa ere ang aking kamay na sinubukang abutin kanina iyong cellphone ko. "Hindi ba ikaw naman ang nag-announce kanina na may nawawala akong cellphone at pinatawag mo pa ako? And why would I lie about it?" It's not like I am the type to lie about something like this. "But this is broken," sinubukan niya iyong buksan at ipinakita sa akin ang blacked out na screen, hindi nga bumubukas. "See?" "O-Okay lang...akin na..ipapagawa ko na la—" nilapitan ko siya upang kunin na sana ang aking cellphone nang mas lalo niya iyong itinaas. It was as if the air blew his scent on my nose. Ang bango. I've never felt so amazed for someone's scent like this before. "Fine. Sabihin na nating sa'yo nga ito," he remarked, humalukipkip. He made sure I couldn't get a hold of my cellphone because he stepped backwards. "Hindi ako naniniwala." "Akin nga iyan. My brother bought me that last year." I sighed in frustration. "Oh? How much?" Nanunuya niyang tanong. "H-How would I know?" Nag-iwas ako ng tingin. He raised another brow at me. I saw him sighed silently and stepped closer to me. Nang matanto kong mukhang wala siyang balak tumigil kahit mabangga niya na ako ay nagsimula na akong umatras. But then, with a few step backwards I made, I felt the table on my back. I calmed myself. I tried to stop him using my eyes, pero walang nangyari. Agad akong inatake ng kanyang panlalaking pabango dahil sa lapit, inilapag niya ang isang kamay sa tagiliran ko at ang isa nama'y hinighlight ang cellphone ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin nang hindi man lang nagbabago ang hitsura. "Convince me, Pia," he sensually whispered. Humaplos ang kanyang mabangong hininga sa aking mukha. "How can I make sure? Unless..." Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Nalukot ang aking noo. Ngunit pareho na lamang kaming napatingin sa pintuan nang biglang bumukas iyon. Si Novo. He didn't even reacted seeing us in this kind of position. "May teacher na." He announced. "I'll be there." Niccos's voice vibrated dahil sa lapit niya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa akin at agad umayos ng tayo. "Ganito na lang," he remarked. "How about we meet this afternoon?" "Bakit?" Aapila pa sana ako. "Let's get this cellphone fixed...together." Nang makabalik ako sa classroom ay abang na abang ang mga kaklase ko sa akin. Tingin pa lang nila ay punong-puno na ng kuryosidad. I don't want to see the end of it. Lalo na at hindi ko pa nakukuha pabalik ang aking cellphone. Pabagsak akong naupo sa tabi ni Izzie na nakahalumbaba. "Nakuha mo ba?" Bungad niya. Ngumuso ako at umiling. "Mamayang hapon pa." At lunch, Izzie chose to eat with me. Wala pa raw kasi siyang masyadong kakilala rito sa school at kailangan niya munang i-familiarize ang paligid. I understand her, though. Lahat naman ng transferee ay nagdadaan sa ganyan. "Anyways, 'di ba may girlfriend 'yung kuya mo?" Pag-uumpisa ni Izzie ng bagong usapan habang kumakain kami sa cafeteria. "Wala. Busy iyon sa pag-aaral." Kaswal kong sagot. "Really? Wala? Nililigawan? Kalandian?" I giggled a little. "How would I know? Nga pala, paano mo nakilala si kuya?" I mean, it's not new to me anymore. High school pa lang si kuya ay marami ng nakakakilala sa kanya. It just intrigued me that a pretty woman like Izzie would be so curious about him. "I actually like him a lot." Pag-amin niya na parang wala lang iyon. Samantalang ako ay muntikan ng maibuga ang iniinom na juice. How could she be so nonchalant with that? Parang ako pa ang nahihiya sa pag-amin niya. "Can you uh..help me get closer to him?" Kumislap ang mga mata ni Izzie. "Please, please? I just want to know him more." "L-Let's see. Kung may chance..." Kuya is a med student. Magdodoktor siya kaya mas ginugugul niya ang oras para mag-aral nang mag-aral. Pagsapit ng afternoon period namin ay parang ang bilis ng oras. I don't even know how to react: kakabahan ba ako o hindi? Teka, pinag-iisipan pa ba iyan? I can't believe I am thinking about this right now. Last period namin ang GenMath sa hapon. Since, I was preoccupied, I didn't have the chance to listen carefully to our discussion. "Miss Oleo, hindi mo ba naintindihan?" Nagising na lamang ako sa reyalidad nang tawagin ako ng aming teacher. Napansin kong nakataas silang lahat ng kamay, at ako lang ang hindi. "Hmm. Ms. Oleo, ha. I'm warning you." She said sounding so calm. I heard giggles around and some murmurs. Pati ito ay napuna nila. Sinasabi ko na nga ba. Bumuntong hininga na lamang ako at piniling maging atentibo sa discussion. Nakakahiya naman, ngayon lang ata inulit ng aming GenMath teacher ang ganitong discussion para lang sa akin. Kadalasan kasi ay nangunguna ako sa ganito. It was not long until our dismissal came. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit kasama si Izzie. Kinikabahan pa ako nang dahil sa hindi malamang dahilan. "Pst." Mayroong kumalabit sa akin sa likuran na agad kong nilingon. It's my classmate Craven. Iyong Koreano na kalilipat lang dito last school year. "Bakit?" "You need notes?" He smiled. "H-ha?" "Here, take mine. Pasensya na sa sulat," halos hindi ko na makita ang kanyang mga mata nang ngumiti siya at nagkamot ng batok. "Sige. S-Salamat." Kukunin ko na sana ang notebook ngunit bigla niyang inagaw ulit iyon. Binuklat niya ang huling pahina at agad pinunit ang pinilas iyo , 'saka niya ibinalik ulit iyon sa akin. "Sorry about that." He shyly said. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga ako kung Koreano ba talaga ito. Mukha nga siyang Koreano pero 'yung accent niya sa english ay fluent, parang normal na American citizen. Ang g**o. Kinalabit ako bigla ni Izzie. Nilingon ko siya at 'saka niya naman itinuro ang pintuan namin dahilan upang sumunod doon ang tingin ko. "Hoy, nerd! Si Niccos hinahanap ka!" Isang kaklaseng lalaki ang nagsabi. Tinanguhan ito at ngumuso. "Kanina pa 'yan diyan." Izzie said. Maraming kumakausap kay Niccos. Maging ang GenMath teacher namin ay kinakausap siya. Nagtama ang mga mata namin dahilan upang pagtaasan niya ako ng kilay. "O-Okay lang," I smiled back shyly at Craven. Inayos ko ang eyeglasses ko. "Salamat ulit." "You're welcome." Kumaway siya sa akin bago naunang lumabas sa classroom. Kumaway ako pabalik at ngumiti rin. Nang mawala naman si Craven sa paningin ko dahil lumiko na ito, nag-aabang ang mga mata ni Niccos. Kausap pa rin siya ng aming teacher ngunit sa akin siya nakatingin. "Tara na?" Izzie snapped. "Mauna ka na, may...lakad pa ako." "Okay, sabay na lang tayong lumabas." Tinanguhan ko siya at pinulot na rin ang aking bag. Mabagal akong sumunod sa kanya palabas ng classroom. Huminto ako sa pintuan, tuluyan nang nakaalis si Izzie habang ako ay nakatayo sa gilid. "Let's continue this talk tomorrow, Miss. If you excuse me.." rinig kong paalam ni Niccos. "Sure! Napagawi ka pala dito?" Sinulyapan niya ako kaagad, dahilan upang sundan ng aming teacher ang tingin nito. "Let's go?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD