Prologue
____________________Prologue
"Siya ba? Siya 'yung bumasted kay Niccos?"
"Yes, siya nga. Ang kapal ng mukha, 'di ba?"
"Omg, for real?! Iyang mukha't pormang ganyan, babastedin ang Niccos natin?!"
"Sis, she really rejected Niccos. It's all over the internet. Hindi mo pa ba napapanuod?"
"Ito panuorin ni'yo, it is trending and all over the internet!"
Parang gusto ko na lang takpan ang magkabilang tainga ko habang naglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nagbubulungan sa corridor.
Hindi. Hindi pala sila nagbubulungan. Kung bulong lamang ang mga ito, hindi ko na sana naririnig pa ang mga sinasabi nila.
"She's dead," I heard someone added. "How dare her, she's lucky as hell already para maligawan ng isang katulad ni Niccos!"
Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking mga libro. Kinagat ko ang aking dila upang pigilan ang sariling magpakita ng kahit anong reaksyon. Even a single blink from my eyes would seem to look suspicious to them. Or is it only my anxiety?
"Guys! Tabi! Nandiyan na sila Niccos!"
Biglang natahimik ang buong hallway nang marinig ang isang estudyanteng halos manginig ang boses. Agad silang nasipagilid upang mabigyang daan ang grupo nila Niccos.
Samantalang ako ay walang kamalay-malay na na-estatwa sa gitna. Nakaharang sa daraanan nila Niccos.
Tama nga sila, dahil agad kong namataan si Niccos at ang mga kaibigan niya ring sikat kagaya niyang maangas na naglalakad, naghahari sa buong hallway.
"Look who we got here," Napuna ako ng isa niyang kaibigan, si Lev at pumaharap ito sa akin habang nakapamulsa. "Siya 'yung bumasted sa'yo, 'di ba?" He added, ngayo'y nilingon na si Niccos.
Nakarinig naman ako ng tawa galing sa dalawa niya pang kaibigan. Habang ang mga mata niya naman ay dumapo sa akin.
Agad niya akong pinagtaasan ng kilay. He looked like a psychopath: who's ready to kill someone.
"Tabi." Mataman niyang sinabi at hinawi si Lev upang malapitan ako.
Napaatras pa ako nang bahagya sa takot. Hindi siya nag-atubiling lumapit sa akin at yumuko upang mapaglebel ang aming mga mukha.
"Listen, you little p***y," he sensually said through gritted teeth. "Hindi pa tayo tapos. Pumayag ka man o hindi,
Liligawan pa rin kita.
Magiging akin ka pa rin.
Tandaan mo 'yan."
Pagkatapos noon ay nilampasan niya na lamang ako nang parang isang hangin. Nalaglag ang aking panga.