CHAPTER 27 THIRD PERSON POV Tahimik ang umaga sa bahay nina Zhennaire, ngunit sa loob ng katahimikan ay may unos na nakatago. Si Zhennaire, nakaupo sa sofa, hawak ang cellphone na ilang oras na niyang hindi mabitawan. Namumugto ang mga mata niya, paulit-ulit na binabasa ang mga screenshots na ipinadala sa kanya ng kung sino mga litrato ni Engr. Jitsu at Marigold, may mga sweet na mensahe, mga date stamp na tila sariwa pa. “Hindi totoo ‘to…” mahina niyang sabi, nanginginig ang mga kamay. Paulit-ulit niyang binubulong iyon, pero sa bawat ulit, mas lalo lang niyang naririnig ang sakit. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga larawan, pero malinaw ang bawat isa. Si Jitsu, nakangiti. Si Marigold, nakaakbay. At sa caption, may mga salitang parang kutsilyong sumasaksak sa puso niya

