CHAPTER 30 ZHENNAIRE POV Anim na linggo na mula nang iwan ko si Jitsu. Anim na linggo na rin akong gising tuwing alas tres ng madaling araw oras kung kailan dati ay nagkakape kami habang nagkukulitan ni Celestina at siya, si Engr. Jitsu, ang laging unang gumigising para ipagluto kami ng breakfast kahit hindi pa man liwanag. Ngayon, kape pa rin ang kasama ko. Pero wala nang kwentuhan. Wala nang tawanan. Tanging katahimikan lang at mga alaala na paulit-ulit na bumabalik. “Baks, kumain ka naman kahit konti,” sabi ni Patricia habang iniaabot sa akin ang sopas. Napangiti ako nang pilit. “Okay lang ako, baks.” “Okay? Eh para kang multo! Ang payat mo na! Zhennaire, hindi pwedeng puro luha at kape lang ang sustansya mo.” Napabuntong-hininga ako. Alam kong tama siya. Pero paano mo nga nam

