CHAPTER 32 THIRD PERSON POV Tahimik ang hapon. Ang langit ay tila mapayapa, may halong ginintuang liwanag ng papalubog na araw, at ang hangin ay may dalang malamig na yakap. Sa gitna ng katahimikan, nakaupo si Celestina sa maliit na duyan sa harap ng bahay. Nakaayos ang buhok niya sa dalawang maliit na tirintas, at sa tabi niya ay nakapatong ang paborito niyang teddy bear tahimik lang, pero sa mga mata ng bata, may tanong na hindi niya kayang itanong nang diretso. “Baby…” tawag ni Zhennaire mula sa pintuan, mahina, halos pabulong. “Pasok ka na, gabi na.” Ngunit umiling ang bata. “Mommy, pwede po bang sandali lang? Gusto ko pong makita si Daddy Jitsu… baka dumaan siya.” Natigilan si Zhennaire. Ramdam niya ang kirot sa dibdib, pero hindi niya kayang sirain ang pag-asang bumabalot sa pu

