Bellia’s Point Of View Kaarawan ni Bianca bukas, ngayon ko lang alam na oktubre pala ang birth month nito. Napaisip ako kung ano ang ihahanda namin, kahit na hindi ako miyembro ng pamilya nila. Kailangan pa rin akong mag-effort dahil kaibigan ko na rin naman siya, tulad ni Matthew. Ang sabi naman ni Matthew kanina sa akin noong lumabas saglit si Bianca ay hindi raw komportable si Bianca sa mga may handaan, gugustuhin na lang daw nito na maghanda ng sarili para sa sariling kaarawan. Ang sabi rin ni Bianca sa akin ay bukas na magaganap ang plano namin para mapaagang maputol ang sumpa. Pero para sa akin ay puwede naman naming ipabukas na muna ang plano dahil kaarawan niya ang magaganap bukas, pero tutol siya roon, kailangan na raw matuloy ang plano sa madaling panahon. Napag-isipan kong pu

