Bellia’s Point Of View Nang dahil sa mensaheng pinadala ni Gabriel ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang nagpadala dahil kakaiba ang naging kutob ko nang mabasa ko iyon, o baka naman nililinlang na ako. Hindi ako pumunta, hindi rin ako nagpadala ng mensahe rito dahil baka kung ano ang mangyari. Marami na kasi akong naririnig tungkol sa mga scammer, taga-pagpapanggap at ang mga gumagamit na detalye ng isang tao. Baka isang scammer lang ang nagpadala ng mensahe sa akin at ginamit lamang ang pangalan ni Gabriel. Alas tres na nang hapon. Si Bianca ay mahimbing pa rin ang tulog, habang kami naman ni Matthew ay may kanya-kanyang inaasikaso. Nasa kusina siya, nagluluto ng meryenda naming tatlo. Nandito naman ako sa sala, humirap ako ng laptop niya para maituloy ko

