```` Araw ng sabado kaya ang mga kapatid ni Maricar ay dadalawin siya. Dala nila ang kanilang mga assignments para magpaturo kay Caleb. Tinuturuan naman niya ang mga bata, pinapaliwanag nito kung anong gagawin at hinahayaan niyang sila yung sumagot. Habang wala pa ang mga bata, tinapos na ni Caleb yung kailangan niyang matapos na documents sa kanyang kumpanya. Si Harmony naman naghihintay na ipakita sa kanya ang ebidensyang hinahanap niya. Buong akala niya'y ipapakita na ni Caleb kagabi, pero wala siyang nahintay hanggang sa makatulong na lang. “Harmony, kung nakakamatay lang yang titig mo for sure kanina pa nakabulagta sa sahig si Caleb. Ano bang problema?” Tanong ng kanyang ina na inaayos ang pinamili nilang kagabi para sa mga bata. “Paasa na sinungaling ang lalaki na yan!” Naiinis

