```` Mahinang tumawa si Hubert habang nakatitig kay Jerome, wala silang tigil sa pagsuntok ng kanyang mga tauhan. Hindi naman makalaban si Jerome dahil nakatali ang kanyang dalawang kamay. “Mga hayop!!” Halos pabulong niyang sabi habang nakayuko. Nagtawanan naman ang mga tauhan ni Hubert, bago muli pinagsusuntok at sipa si Jerome. “Ipagpatuloy niyo lang yan, kung mamatay man siya ngayon mahina siya!” Malamig na utos ni Hubert. “Pagbabayaran mo lahat ‘to Hubert!” Mahina na sagot ni Jerome, muli siyang sinipa sa tiyan kaya bapabuga ng dugo ang binata. “Boss, magbabayad ka daw sabi niya.” Sigaw ng isang tauhan ni Hubert, nagkibit balikat naman ito bilang sagot. Salitan ang limang lalaki sa pagpapahirap kay Jerome, nanghihina na yung kanyang katawan sa dami ng pasa at sugat. Walang iban

