``` Lumipas ang isang linggo, dahil sa kagustuhan ng dalaga na makita kung sino’ng querida ni Jerome, lahat ng binibigay sa kanya na pagkain ay naubos niya ‘to at hindi na rin nagrereklamo sa tuwing dinadalaw siya ni Caleb. Kailangan niyang pakisamahan ang binata para sa kanyang kagustuhan. Dahil hindi niya lubos matanggap sa kanyang sarili na ganun yung ginawa ni Jerome, ang tagal ng kanilang relasyon pero may kahati pala siya at hindi ibang babae, kundi sinasabi nilang matalik niyang kaibigan. May mga napapanaginipan at naalala siya pero hindi pa malinaw. Mas pinipili niyang itago dahil sa hindi malamang dahilan. Para bang natatakot magtiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pagkatapos niyang maligo ay, ginamot na ng isang nurse ang mga sugat nito sa katawan, unti-unting ng nagli-l

